Inamin ni Direk Andoy Ranay na napaka-sweet nina Janine Gutierrez at Elmo Magalona na magnobyo sa tunay na buhay at kitang-kita ito sa pagbibidahan nilang seryeng More Than Words ng GMA.
Ayon kay Elmo, anim na buwan na silang mag-steady ni Janine at inspirado siya ngayon sa kanyang trabaho. Lagi silang masaya sa set at magaan katrabaho ang nobya. Limang taon ang tanda ni Janine (25 years old) kay Elmo na 20 years old naman.
‘‘Kahit mas matanda ako kay Janine mukha naman siyang bata, ‘di ba? Bihira ang nakakaalam na napakagaling niyang kumanta,’’ sey ni Elmo.
Nakilala na niya ang mga magulang nito na sina Lotlot de Leon at Ramon Christopher at nakita niya ang kabaitan ng mga ito. Kahit ang mommy Pia niya ay boto sa nobya.
Masaya ang aktor sa GMA at kahit matatapos na ang kontrata niya ay wala siyang balak na layasan ang kompanya na nagbigay sa kanya ng malaking break.
Enzo na-enjoy ang pambu-bully
Kasama rin sa More Than Words si Enzo Pineda na first time na magkontrabida sa drama series. Gagampanan nito ang karakter ni Nate, isang campus heartthrob at star player ng varsity soccer team.
“Na-enjoy ko ang role ko being bully and playful at masarap na maging kontrabida. Okey lang na malinya ako sa character role dahil mas marami ang trabaho.’’
Sinabi pa nito na masarap din ‘yung gumawa ng gulo paminsan-minsan at inuupakan pero type maging lovable.
Type nitong maging superhero sa susunod na project at magtayo ng restaurant balang araw.