Problemado ang director ng isang teleserye ng isang network dahil pahintu-hinto ang kanilang taping. Kalat na kalat ang balitang hindi raw maka-deliver ang lead star ng soap na inaabot ng 32 takes ang isang eksena.
Very challenging pa raw naman ang role ng actor at mga mahuhusay na artista ang kasama niya pero hindi nga siya makaarte nang tama. Napa-pack up nga raw ang taping at pinagwu-workshop muna ang actor para sa mga susunod na eksena. Problema rin daw na naka-rent na sila ng isang location na kung ilang libo ang bayad nila pero tumatakbo ang araw wala pa silang naa-accomplish na trabaho.
Naaawa naman kami sa actor, kung hindi niya talaga kaya, bakit hindi na lamang siya palitan habang maaga pa para naman hindi mag-suffer ang production?
Ryzza Mae ipapasyal ang mga kapatid sa HK
Bongga si Aleng Maliit, Ryzza Mae Dizon. Ni-request niya sa Eat Bulaga kung puwedeng maisama niya sa show nila sa Chater Road sa Hong Kong ang kanyang pamilya dahil gusto niyang ipasyal din ang mga kapatid niya sa Hong Kong Disneyland. Pumayag naman ang Eat Bulaga pero siya lamang at ang Mommy Rissa niya ang libre, ang iba niyang kasama, si Ryzza Mae ang nagbayad.
Ang free show ay sa November 2 pa, to be directed by Eric Quizon at siya ring kinausap ng Smart Communications dahil handog nila ito sa ating mga Overseas Filipino Workers doon. Pero sa Friday, October 31, aalis na sina Ryzza at ibang kasama sa show for Hong Kong. November 3 na ang balik nila rito.
Nalaman naming special request din ng mga kababayan natin doon sina Jose Manalo at Wally Bayola kaya ang travel bond ni Jose ay ang Smart na rin ang sumagot. Tuwing lalabas kasi ng bansa si Jose na may kaso, kailangang maglagak siya ng travel bond, pero kapag bumalik naman siya sa bansa after the show, ibinabalik na rin ang halagang inilagak niya.
Dating Talentadong Pinoy International contestant gustong mag-showbiz
Ipinakilala sa amin ni Ciso Chan, isa sa mga executives ng Curve Entertainment Company ang 13-year-old singer, si Miguel Antonio.
Born in the Philippines si Miguel pero eight years old siya nang lumipat ang family niya sa Singapore. Mahusay kumanta, nakasali si Miguel sa Talentadong Pinoy International, hosted by Ryan Agoncillo sa TV5 in 2011. Hindi raw niya masyadong kinarir ang contest at umuwi siya sa Pilipinas for the experience. On December 2012, isa siya sa performers sa Asian TV Awards held in Singapore and sang I Dream A Dream.
Feeling ni Miguel, he is singing all his life, nagku-compose siya ng songs, pero most of them, unfinished. Madalas na rin siyang mag-join sa mga song competitions. Kaya nag-decide sila ng mommy niya with his Singaporean manager na umuwi sa bansa at mag-try dito, sa ABS-CBN Star Records. Balak din ba niyang mag-artista at maging Star Magic talent? Hindi pa raw sila decided dahil nasa first year high school pa lamang siya.