May nagrereklamo nga raw na isang stage mother ng isang young actress sa isang TV network kung bakit hindi na raw ulit pinagbida ang kanyang anak. Eh naging top-rater naman daw ang pinagbidahan nitong teleserye?
Ayon sa aming source ay wala naman daw problema sa young actress. Ang problema daw ay ang stage mother nito.
Marami raw ang naging reklamo sa stage mother na ito kaya pinag-iisipan daw nila kung pagbibidahin nila ulit ang young actress dahil ayaw nilang magkaroon ulit ng problema between the production staff at sa stage mother.
Masyado raw atribida ang stage mother at mahilig pa raw magdala ng maraming bisita sa taping ng anak niya. Bukod sa hindi sila mapagsabihang tumahimik, nakikipagtalo pa raw ang stage mother sa caterer kapag hindi masarap ang ipinapakain sa anak niya.
Kaya dahil sa jologs na ugali ng stage mother, apektado tuloy ang career ng young actress na hiyang-hiya sa mga pinaggagawa ng kanyang ina.
Hindi raw natatakot, Jim Paredes bumuwelta sa mganagbabanta sa kanyang buhay
Nakatanggap ang singer-songwriter at APO Hiking Society member na si Jim Paredes ng mga death threats mula sa nagngangalang Rex Vincent Tecson.
Nagsimula raw ang pagpapadala sa kanya ng mga death threats noong magbigay siya ng kanyang critical comments tungkol kay Vice President Jejomar Binay.
Tinawag ni Paredes na isang “cretin” at “confused young man who probably needs some help” itong si Tecson.
In-assure naman ni Paredes ang kanyang safety at pinost niya ito sa kanyang Facebook account: “for your concern about my safety. I am very much alive and not the least (bit) afraid”.
Pero inilapit at isinumbong na ni Paredes ang insidenteng ito sa mga pulis dahil naniniwala siya na hindi dapat binabale-wala ang mga threats na ganito.
“Threats of death or injury online should be taken seriously,” sey pa ni Paredes.
Pero hindi naman daw niya ikinakabit ang pangalan ni Tecson sa sinumang politician.
Sa naging research kung sino itong si Rex Vincent Tecson, sa kanyang Twitter profile ay identified siya as “Lawyer, Civil Engineer, and Prime Minister of the Socialist Republic of the Philippines” at naka-base raw ito sa Regensburg, Germany.
Na-delete na nga raw ni Tecson ang kanyang death threat kay Paredes sa timeline nito, pero nag-post naman daw ito ng isang dare kay Paredes na idemanda siya.
Ikinumpara pa nga raw ni Tecson ang kanyang sarili sa exiled communist leader na si Jose Maria Sison.
Nakiusap si Paredes kay Tecson na kumawala na ito sa kanyang mundo ang “come to terms with the real world”.
Heto ang pinost ni Paredes sa kanyang Facebook account para kay Tecson:
“You are NOT a PRIME MINISTER of the Socialist Republic of the Philippines. There is no such country. You are also not a political adviser of PNoy. In fact you tweeted twice that you wanted the President dead. You are a confused young man who probably needs some help. Please do so before you get into more trouble.”
Melissa hindi masaya sa ipinamanang yumaong ina na si Joan Rivers
Mamanahin ni Melissa Rivers ang malaking bahagi ng estate na naiwan ng yumaong legendary comedian na si Joan Rivers.
Kahit na nga biglaan ang pagpanaw nito dahil sa surgery complications, na-update naman daw ni Rivers ang kanyang will at ang magmamana nito ay si Melissa at ang anak nitong si Cooper.
Tatanggapin ni Melissa ang $75 million in cash at sa kanya ipinangalan ang $35 million Upper East Side, New York condo ng yumaong komedyante.
Ang anak nga niyang si Cooper who is only 13-years old ay tatanggap ng malaking mana pagdating nito sa tamang edad.
Pero kahit iniwan kay Melissa ang lahat, labis pa rin ang lungkot nito sa pagkawala ng kanyang ina.
“It’s no consolation for losing her mother so soon,” sey pa ni Melissa.
Pumanaw si Joan Rivers noong September 4 dahil sa naging complication sa throat surgery nito in New York. Noong October 16 ay inilabas ng New York Medical Examiner’s Officer ang cause of death ni Joan.
“We continue to be saddened by our tragic loss. No further comment at this time,” tweet pa ni Melissa Rivers.