Angelica Panganiban denies she took extra effort for her role as the nanabang artista sa kanyang soon-to-be released flick, Beauty in a Bottle, co-starring her for the first time with Angeline Quinto at Assunta de Rossi.
Neither did she submit to any kind of cosmetic procedures, when she had naman to lose weight, dahil kinailangan na niya to be in shape, sa mga eksenang kukunan para sa pelikula.
On her having gained weight, ani Angelica, talaga raw tumaba siya. At may kinalaman daw ito sa health problem niya. And her doctor had to advise her to take some medicine na obviously naging dahilan para tumaba siya.
It was the same doctor who advised her what to do when she needed to lose weight naman. And not necessarily nga because of Beauty in a Bottle, kung hindi nahahalata rin daw niya na humihingal siya, even when it’s just a short distance ang kanyang nilalakad.
Beauty in a Bottle, co-produced by Skylight and Quantum Films and directed by Antoinette Jaodone, is scheduled for release October 29.
Magkakaroon ito ng premiere showing October 28.
Enchong sa nanay ibinalita ang pagiging singer
Napapayatan daw ang kanyang ina, lalo na, sa kanyang girlfriend na si Samantha Lewis, isang British-Filipina, who is in the country for a career in modeling, ramp and commercial.
Kaya, pangako raw nito sa dalaga, ipagluluto niya ito ng mga pagkaing Bikol (tubong Naga City ang pamilya ni Enchong Dee), para tumaba.
Wow, ayon kay Enchong, nahirapan daw siyang ipaliwanag sa Mama niya na kailangang mapanatili ni Samantha ang kanyang ‘model figure,’ since need ito ng dalaga sa kanyang trabaho.
Natawa na lamang daw ang kanyang ina, na ‘di ipinagkakaila ni Enchong na close as can be siya.
Kaya ang Mama raw niya, lalo’t noong wala pa sa buhay niya si Samantha, ang unang binabalitaan niya ng good news na nangyayari sa kanya, lalo’t where his career is concerned.
Like most Bikolanas, alam daw niya na madasalin ang kanyang ina. At kasama sa mga dasal nito ang kaligtasan, kalusugan, at success sa kani-kanilang propesyon, niya at ng kanyang mga kapatid.
Kaya, ang Mama raw niya ang unang nakaalam when he turned recording star, via his first single, Chinito Problems. Kasabay of course ng pagbabalita of the same, kumbaga, kay Samantha.
When played over the radio, Chinito Problems became an instant hit. Thus, Star Records’ decision of produce Enchong an album, self-titled, with of course, Chinito Problems as the carrier single.
Also contained in the album are the songs ni Enchong, Isip o Puso, Step No Step Yes at Hanggang Dito Na Lang, among others.
Michelle aayain ang nanay sa sinehan na manood ng Bacao
Tiyak daw ni Michelle Madrigal na kakayagin niya ang kanyang ‘non-showbiz’ Dad na panoorin ang kanyang pelikulang Bacao, where she plays lead role opposite Arnold Reyes.
Alam daw ni Michelle na masa-shock ang kanyang dad, ‘di lang sa mga intense lovescenes nila ni Arnold, kundi sa kanyang breast exposures, na kung ilang beses ding ginawa niya sa Bacao.
Ganunpaman, naniniwala rin daw siyang iku-congratulate siya nito for a job well-done. Feel daw ni Michelle, she’s at her best na an actress sa Bacao.
On the case of her mom, former bold actress Karla Kalua, i-encourage raw niyang panoorin nito ang pelikula sa regular showing na nito sa mga sinehan, mostly SM Theaters, starting on October 29.
Bacao is how the mga taga-Isabela call corn or mais sa mga Tagalog.
Tubong Isabela ang director ng Bacao, si Direk Edgar ‘Boy’ Vinarao, na isa ring award-winning movie editor.