MANILA, Philippines - The tables are turned sa kapalaran this year ng dalawang premyado na prized possessions ng isang network. Hindi maipagkakaila na merong silent competition sa dalawa ‘di man ito hayagan na sinasabi.
This year, isa sa kanila ang muling bumangon sa movie career. Fantabulous ang kinita nito sa takilya at hindi maipagkakaila ‘yon. There was a time sa career ng aktor na bawat gawing movie ay sadsad sa takilya, huh!
Pero kabaglitaran naman ang movie career ng isang aktor. Continuously reaping success at box-office ang gawing movie one after the other.
But drastic changes happened this year. Hindi masyadong pinag-uusapan ang kita sa takilya ng isang aktor. May naririnig kaming reaksyon sa mga nakapanood but hintayin na lang natin ang ebidensiya.
After all, hindi naman maitatago sa showbiz kung tumabo o sumemplang sa takilya ang movie, huh!
Some say na ayaw ng mga tao sa role ng isang aktor. Hindi naman puwedeng sisihin kung tanggapin ‘yon ng aktor lalo na’t kung mapaghamon ito. May saturation point din naman ang isang tao, huh!
Feeling naman namin, you’re only good as your last film! Marami ring factors na dapat ikunsidera sa paggawa ng movie. After all, ang kapalaran ni Juan ay hindi kapalaran ni Pedro, huh!
Hindi naman puwede kasing puro na lang adobo ang inihahaing ulam sa araw-araw, ‘di ba?
Lovi may pinaplanong kakaiba sa bridal shower ni Heart
Wala pang nakatakdang bridal shower si Heart Evangelista para sa mga kaibigan. Pero tiniyak ni Lovi Poe na dadalo siya sa okasyon ng kaibigan na ikakasal next year kay Sen. Chiz Escudero.
Ayon nga lang kay Lovi na pinakinggan namin ang interview para sa Startalk, ayaw raw ni Heart ng mga lalaking naghuhubad sa bridal shower niya.
“But it’s a tradition, ‘di ba? Ha! Ha! Ha! We’ll see! Ha! Ha! Ha!” sabi ni Lovi.
Present si Lovi sa fund raising na Blood Samaritan na inayos ni Mother Lily last Saturday sa kanyang Valencia Homes. Isa siya sa performers bukod kina Jose Mari Chan, business tycoon George Yang, pianist Raul Sunico at sina Rachel Alejandro, Celeste Legaspi with Ryan Cayabyab, at Cris Villonco.
Siyempre pa, nagpakitang-gilas din si Mother Lily sa pagtugtog ng piano, huh! Hindi lang isa kundi dalawang beses siyang bumirada sa saliw ng isang violinist!
Para sa QC Chapter ng Red Cross ang benefit show na ‘yon na nabusog na ang donor sa pagkain at naaliw pa sa magandang show!