Amanda Bynes ng Nickelodeon may sayad na raw, kaya ipinakulong ng magulang

Nilagay nga sa involuntary psychiatric care ang former Hollywood teen star na si Amanda Bynes.

Ayon sa attorney ng pamilya ng aktres, ang public bizarre behaviour ni Amanda ang na­ging da­hilan kung bakit siya agad na inilagay on psychiat­ric hold pagdating niya ng Los Angles.

Under Californian law, a person may be detained for mental health evaluation for up to 72 hours.

Nagsimula ulit ang pagkawala sa katinuan ni Amanda nang sabihin nito sa isang interview na biktima siya ng sexual abuse ng kanyang sarili ama. At nag-tweet pa ito na nilagyan daw siya ng “microchip” sa ulo ng kanyang ama.

Noong nakaraan lamang ay inaresto si Amanda on a misdemeanour charge of driving under the influence of drugs in Los Angeles. Nag-post ito ng bail amounting to $15,000.

Nakilala nga bilang isang teen star at 13 si Amanda dahil sa sarili niyang comedy show sa Nickelodeon TV network na The Amanda Show in 1999. Gumawa rin siya ng mga hit movies na What A Girl Wants, Big Fat Liar, Love Wrecked, She’s The Man, Sydney White, Hairspray at ang last movie niya na Easy A.

Jackie Lou may warning kay Elmo Magalona

Happy nga si Jackie Lou Blanco na umamin na rin ang kanyang pamangkin na si Janine Gutierrez na boyfriend na nito si Elmo Magalona.

Kung tutuusin ay matagal nang alam ni Jackie ang itinatagong relasyon ng dalawa. Pero pinabayaan niyang manggaling sa dalawa ang pag-amin at hindi sa kanilang mga kamag-anak.

“I think it’s about time na, ‘di ba? May maitatago ka pa ba ngayon? You can’t hide anything from social media, ‘di ba? Kaya it was best for them to really come out. Nakaka-relieve rin na wala ka nang tinatago,” ngiti pa niya.

Okey naman daw si Elmo sa kanila at mukhang maaalagaan nito ng mabuti ang kanyang pamangkin.

“Elmo is a very nice boy. I’m friends with his late dad (Francis Magalona). I also know his mom (Pia Arroyo-Magalona). Kaya wala siyang problem sa amin. Basta huwag lang niyang paiyakin si Janine.

“Janine is a very sweet girl. She deserves a good boyfriend. And I think si Elmo na nga iyon,” ngiti pa niya.

Gumaganap nga ngayon si Jackie bilang ina ni Dennis Trillo sa primetime series na Hiram Na Alaala. First time nga niyang makatrabaho si Dennis na tinatawag ngayon na Drama King.

“I’m so happy nga that I finally got the chance to work with him and to play pa his mom. He’s such an excellent and giving actor, walang problemang kasama, very magaan, he does his homework,” pagtatapos pa ni Jackie Lou Blanco.

James wini-wish na totoong may ‘nag-aalaga’ sa kanyang mayamang bading!

Ang designer na si Paul Cabral na nga ang manager ni James Blanco na nagbabalik ulit sa bakuran ng GMA-7 via the teleserye Yagit.

Wala na raw siya sa poder ng huli niyang manager na si Annabelle Rama. Matagal na raw nag-expire ang contract niya rito at nag-decide siyang hindi na mag-renew dito.

“May mga problema kasi si Tita Annabelle that time. Kaya ayoko makadagdag pa. So wala akong manager for almost a year. Si Paul, kaibigan niya kasi ang wife ko. Since may clout naman siya sa mga TV network, siya na ang kinuha kong manager.

“Yung last na teleserye ko na Mirabella sa Dos, kay Paul na ‘yon. Tapos itong new show ko na Yagit, siya rin nakipag-usap dito,” balita pa ni James.

Na-miss nga ni James ang maging Kapuso. Sa GMA-7 nga siya nagsimula at isa siya sa mga original GMA Artist Center talents kung saan nakasabay niya sina Toni Gonzaga, Luis Alandy, Roxanne Barcelo, Biboy Ramirez, Cogie Domingo, Chynna Ortaleza, at Angel Locsin.

At hindi pa rin nga nawawala ang tsismis kay James na may mayamang gay lover ito. Pinagtatawanan na lang daw niya ito.

“Ilang taon na ‘yan pero tuwing tatanungin ako, kasama talaga ‘yan. Wala na bang iba?” tawa pa niya.

“At lagi ko namang sagot, sana totoo ‘yan. Kung may rich gay lover ako, hindi na sana ako nagtatrabaho at pabakasyun-bakasyon na lang ako with my family!” pagtatapos ni James Blanco.

 

Show comments