Mukhang hindi kayang ubusin kahit na isang linggo pa ang dami ng mga birthday cake na ibinigay kay Kuya Germs ng kanyang mga kaibigan noong mag-celebrate siya ng birthday sa Walang Tulugan with the Master Showman. Ang biruan nga tuloy, alam naman kasi nila na isang buwan ang birthday celebration ni Kuya Germs kaya tama lang ang ganoon karaming cake.
Noon ding gabing iyon, malakas na malakas ang ulan, at nagkaroon ng baha sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila. Katunayan kailangan naming umikot nang napakalayo, dahil baha lahat ang daraanan. Pero nangako kasi kami kay Kuya Germs na pupunta kami doon, kaya lang ang inabot namin ay iyong second show na, na ipalalabas sa susunod pang linggo. Pero magugulat ka ha, napakarami pa ring well wishers ni Kuya Germs sa kabila ng ganoong lagay ng panahon.
Ganyan siguro talaga kung ang isang tao ay maraming natulungan sa industriyang ito. Hindi naman nila nakakalimutan basta-basta ang kanyang nagawa. Hindi rin naman tumigil si Kuya Germs dahil hanggang ngayon ay tumutulong pa rin siya sa maraming mga baguhan.
Alam ba ninyong bukod sa pagbibigay ng exposure sa mga baguhan, sa kanya pang bulsa mismo nanggagaling ang allowance ng mga iyon, dahil alam din naman niyang may gastos ang mga talent na iyon para sa rehearsals, mga damit na ginagamit at maging pagpunta sa show. Pero wala nga ang lahat ng iyon sa budget ng network, at dahil gusto niyang matulungan ang mga kabataan, kaysa nga naman sa matuto pa ang mga iyon ng masamang bisyo, siya pa mismo ang naglalabas ng sarili niyang pera.
Ang lagi na lang sinasabi ni Kuya Germs, iyon ay pagbabayad lang niya ng utang na loob sa kanyang mga naging mentor noong araw na sina Dr. Jose Perez ng Sampaguita Pictures at si Don Jose Zara ng Clover Theater, na nagbigay sa kanya ng pagkakataon. Matagal nang nawala at nagiba ang Clover, at matagal na ring yumao si Doc Perez at hindi na nagpo-produce ang Sampaguita, pero tumatanaw pa rin ng utang na loob si Kuya Germs. Sana ganyan din ang lahat ng kanyang mga tinulungan.
Richard ihinihiwalay ang mga role sa mga paniniwala sa buhay
“Halimbawa ba may ginawa akong pelikula na ang role ko ay killer, ibig sabihin na noon ay payag na ako sa paggawa ng krimen? Iyon lang naman ang punto ko doon sa nangyari doon sa fashion show ng Bench. Show lang iyon eh. For entertainment lang iyon. Hindi naman dapat na may ganoong issues pa,” sabi ni Richard Gomez noong press conference ng kanilang pelikulang The Trial.
May nagtanong din kasi kay Goma, kasi ang role niya ay isang abogadong nagtanggol sa isang PWD (people with disability) na ginampanan naman ni John Lloyd Cruz, na inakusahan ng rape ng kanyang teacher. At sabi nga niya hindi dahil iyon ang role niya ay kinakalaban na niya ang mga babae at ok sa kanya ang rape.
Ang punto nga lang ng actor, artista lang sila eh, at kailangang ihiwalay ang mga role na kanilang ginagawa at ang napapanood ng mga taong ginagawa nila sa kanilang tunay na pagkatao.
Mayor Herbert nagsalita sa totoong namagitan sa kanila ni Kris
Ang dami naman naming laugh noong sabihin ni Mayor Herbert Bautista na hindi naman pala umabot sa pagiging girlfriend niya si Kris Aquino. Kung ganoon nga ang totoo, bakit naman masyadong hurt si Kris noong itigil niya ang kanyang panliligaw? Kung sabagay, si Kris lang naman ang nagsabing mag-syota sila. Hindi naman nagsalita si Bistek.