^

Pang Movies

Show ni Jessica nangunguna sa GMA!

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nanguna ang GMA Network sa nationwide ratings nitong Setyembre, ayon sa datos ng Nielsen TV Audience Measurement.

Sa loob ng nasabing buwan (September 21 to 30 ay base sa overnight data), angat ang Kapuso Network sa NUTAM (National Urban Television Audience Measurement) dahil sa naitala nitong 35 percent total day household audience share kumpara sa 34.1 percent ng ABS-CBN. 

Namayagpag din ang GMA sa listahan ng 30 top programs sa NUTAM, Urban Luzon at Mega Manila.

Nanatili namang number one ang multi-awarded news magazine program na Kapuso Mo, Jessica Soho sa Urban Luzon at Mega Manila, habang nanguna pa rin ito sa lahat ng Kapuso shows sa NUTAM.

Ilan pang malalakas na programa ng GMA noong Setyembre ang Niño, Magpakailanman, Strawberry Lane, My Destiny, 24 Oras, Celebrity Bluff, Ismol Family, Marian, Pepito Manaloto, at Ang Dalawang Mrs. Real.

Hindi rin natinag ang GMA sa Urban Luzon kung saan nakapagtala ito ng  38.8 percent total day audience.

Samantala, wagi rin sa Mega Manila ang DZBB, ang flagship radio station ng GMA, sa ikatlong magkasunod na buwan noong Agosto ayon pa rin sa Nielsen Media Research. 

Simula noong Hunyo ay lumamang ang DZBB sa ibang AM stations sa total week and total day ratings.

Nakapagtala ang DZBB ng 32.3 percent total week audience share.

AUDIENCE MEASUREMENT

CELEBRITY BLUFF

ISMOL FAMILY

JESSICA SOHO

KAPUSO MO

KAPUSO NETWORK

MEGA MANILA

MRS. REAL

MY DESTINY

URBAN LUZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with