Marian, Jose, at Wally iwas na sa initan, natakot sa sinapit ni Paolo

MANILA, Philippines - Halatang takot na ring magbabad sa init ng araw si Marian Rivera sa kanilang sugod-bahay sa Eat Bulaga. Ayaw niyang matulad kay Paolo Ballesteros, na kahit bata pa, 31 years old lang, ay nakatikim na ng mild stroke. Kahit nga sina Jose at Wally ay sumisilong na sa malilim na portion ng mga barangay na pinupuntahan.

Mona Louise at Miggs nagpasaya ng mga batang mahihirap sa Nueva Ecija

Masaya ang recent trip ng mga child star na sina Mona Louise Rey at Miggs Cuaderno sa Jaen, Nueva Ecija. Nataon sa imbitasyon ng butihing Mayor Santy Austria ang pagsaksi ng dalawa sa pamimigay ng two hundred na bisikleta para sa mga mahirap na batang mag-aaral, na milya-milya ang tinatahak makapunta lang sa paaralan.

Miggs at Mona Louise pinuri sa pagiging magalang

Nagkataon naman na namigay din ng pantawid-pamilya program sa Jaen ang DSWD. Namigay din sila ng pera sa lahat ng mga senior citizen sa naturang bayan. Kahit mga bata pa sina Mona at Miggs halatang may pagmamahal na sila sa kapwa paslit na nag-aaral doon. Kaligayahan na ng dalawa na nakapagbigay saya sa mga taong naroroon. Nalaman din na sixteen gymnasium at apat na tulay ang naipagawa ni Mayor Santy. Pinuri ni Mayor sina Mona at Miggs dahil magalang daw ang mga ito sa mga nakatatanda sa kanila. Proud tuloy ang feeling ng mga nanay nilang sina Judy Chua at Fatima Al-Alawe.

Tom hindi na kailangang maghubad

Marami naman ang nagtataka kung bakit humantong sa ganoong uri ng pagmu-model ng briefs ang lover boy ni Carla Abellana sa My Destiny na si Tom Rodriguez. Halos gusto pa niyang hubarin ito habang rumarampa noon sa isang fashion show. Marami tuloy ang mga na-turn-off, liban sa mga matrona at bading. Magaling na actor si Tom at hindi niya kailangang magtodo hubad para lang mapansin.

Personal…

Congrats kina Mr. at Mrs. Sydney Austria, for their forthcoming wedding day sa October 5, sa Sto. Niño Parish Church sa Jaen, Nueva Ecija. Sydney is the son of Jaen, Neva Ecija Mayor and Mrs. Santy Austria. Congrats!!!

Show comments