Gabby hindi na puwedeng mag-exercise kahit kailan

Isang dream ng mga Eigenmann na makapaglabas ng isang coffee table book na ipi-feature ang buong pamilya, mula sa mag-asawang Eddie Mesa at Rosemarie Gil hanggang sa mga apo nila, ang hindi na matutupad sa pagpanaw ng actor na si Mark Gil. Ikinalungkot iyon ni Gabby Eigenmann nang makausap namin sa last presscon for his afternoon prime, ang Dading, na nasa last two weeks na lamang at napapanood after ng The Half Sisters sa GMA 7.

Slim pa rin si Gabby matapos siyang maoperahan dahil tinanggal ang kanyang gall bladder. Hindi na siya allowed kumain ng fatty foods, hindi rin pwedeng mag-workout, kahit tumakbo lamang. Biniro tuloy siyang pwede na siyang mag-join sa susunod na Cosmo Bash. Si­nuportahan nga raw niya ang pinsang si Geoff Eigenmann na rumampa last Wednesday at mukhang masaya raw. Wala raw kasing nag-push sa kanyang sumali sa mga ganoong event noong bata-bata pa siya kaya nag-focus lamang siya sa acting, hosting at singing. Kaya biro niya, why not, baka pwede pa siya.

Sa pagwawakas ng Dading sa October 10, malungkot man si Gabby dahil napakaganda at napakasaya raw ng working relationship nila sa set nina Glaiza de Castro, Gardo Versoza, Benjamin Alves, at buong production staff, ni Direk Ricky Davao, pero mas maganda nga raw tapusin na ito while they are still on top sa rating game.

Pagbisita ni Marian sa SM Clark pinakatinao raw

Nakakuha ang Kapuso Adopt-A-Bangka auction sale ng mga damit ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ng more than one hundred thousand pesos last Sunday afternoon sa Grand Lewis Hotel in Pampanga. Isa nga raw sa in-auction ni Marian ay ang isinuot niyang all-red costume noong FHM fashion show recently. Ang good friend niyang si Boobay who hosted the Kapuso Fans Day sa SM City Clark ang naka-bid nito ng ten thousand pesos. Kaya ipinaabot ni Marian ang kanyang pasasalamat sa lahat ng mga sumuporta sa kanilang proyekto para sa mga fishermen ng Bantayan Island in Cebu.

“Masaya ako’t nakapagbigay tulong na naman tayo sa pamamagitan ng Kapuso Adopt-A-Bangka Project.  Mahigit na 400 pamilya sa Bantayan Island ng Northern Cebu ang ating natulungan. Hindi po natin mararating ang ating pinangarap na ito kung wala ang ating mga partners na walang sawang nagbigay suporta sa atin. Sa araw na ito po ay opisyal na naming tinatapos ang ikalawa at hu­ling yugto ng ating proyekto. Pagbibigyang-tuon na ng aming partner, ang Back-to-Sea ng Bantayan Island, ang pagpapaigting ng kaalaman ng ating mga beneficiaries upang mas mapalakas pa nila ang kanilang kumunidad at livelihood. Muli, maraming salamat.”

As per report ng mall manager ng SM City Clark, ang Kapuso Fans Day ang pinakamalaki na nilang crowd for a single artist na umabot ng may 8,000, since 2006.

Ipagdasal natin ang mga OFW sa Hong Kong

Let us pray for our kababayans in Hong Kong na maligtas sila sa protestang nangyayari ngayon sa Central District. Sa panonood sa TV at sa report ng Pinoy correspondents doon, makikita mo namang maayos ang protesta ng mga kabataan at nabibigyan sila ng mga pagkain at tubig, kahit ang mga magulang nila ay suportado sila.

Show comments