Hindi nakapagtataka kung mabilis gumana ang creative mind ni Direk Perci Intalan nang mag-guest si Nora Aunor sa show ni Ryzza Mae Dizon last week at mag-wish si Ate Guy na magkasama sila sa pelikula.
Agad naisip ni Direk Perci na puwede silang magsama sa isang indie. Approved naman sa dalawa na maging magnanay sila sa movie. Sabi nga ni Ryzza Mae, bagay siyang anak ni Nora dahil pareho sila ng kulay at pareho silang maliit ng Superstar. Kaya may tentative title agad si Direk Perci na Mag-inang Lansangan na mala-Sharon Cuneta daw sa movie nito na Pasan Ko ang Daigdig.
Wala rin daw problema sa magiging producer dahil andyan na ang APT Productions na pag-aari ni Mr. Toni Tuviera.
Kung matutuloy ito parehong liligaya ang fans nila.
Aljur inaakusahang inggit sa kapatid
Agad-agad na tinawag na “alalay” si Aljur Abrenica ng ibang netizen nang samahan niya ang kapatid na si Vin nang rumampa ito sa katatapos na Cosmo Bash.
Siyempre proud lang si Aljur sa kapatid nito. Saka sila ang magkasama sa pagwo-work out sa gym kaya proud ito sa pagrampa ng kapatid.
Halata namang na-miss ni Aljur ang limelight na feeling ng ibang nag-comment sa social media ay parang na-out of place ang aktor dahil hindi na siya pinagkakaguluhan ng mga tao.
Wala namang puwang kay Aljur ang mga negative na comment dahil puro positive quotes ang pino-post nito sa kanyang Instagram account.