^

Pang Movies

Pero willing maghintay: Cherry Pie umaasang mabibigyan ng katarungan ang pagpatay sa ina

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Na-cremate na nga noong nakaraang September 24 sa Arlington Chapels and Crematorium ang pinaslang na ina ng award-winning actress na si Cherry Pie Picache na si Mrs. Zenaida “Baby” Sison.

Hiling nga ng nagluluksang aktres na sana ay malutas agad ang kasong ito para mabigyan ng hustisya ang kanyang 75-year-old mother na pinatay na walang kalaban-laban.

“Nakikiusap pa rin po kami, nagmamakaawa kami, kung may alam kayong makakatulong para malutas ang kaso, ang karumal-dumal na ginawa nila sa magulang ko, sana po tulungan ninyo po kami at ipagbigay-alam.

“Alam ninyo naman kung saan ang barangay, Barangay Paligsahan. Nakaantabay lang po sila dun para tumanggap kung ano ang impormasyon na maaari ninyong ibigay,” pakiusap pa ni Cherry Pie.

Nagpapasalamat naman ang aktres sa lahat ng mga nagdasal, dumamay at sumuporta sa kanilang pamilya.

“Umaasa po kami na ipagpapatuloy ninyo ang dalangin ninyo para sa mommy ko. Please keep on praying that justice will be served.

“Hindi kami nagmamadali, gusto lang na­ming malaman talaga kung sino yung may kasalanan.

“In behalf of my fa­mily, maraming salamat sa lahat ng tumulong sa amin. Unang-una na kay Mayor Herbert Bautista, kasi nung nangyari yun, hindi ko alam ang gagawin ko. Si Harlene Bautista, ‘yung mga kagawad namin sa barangay, yung mga helps, maraming-maraming salamat sa tulong nila, kasi mabilis silang rumesponde.

“Nagpapasalamat din ako sa Arlington with all the accommodation and pasensiya na ibinigay nila sa amin at sa pamilya ko, salamat.

“Please pray for her, please pray for the healing of our family sa nangyari. That we will be graced by God na, at the end, mapatawad namin, there will be peace, ma-accept namin.

“Maraming-maraming salamat po talaga sa dasal, huwag po kayong tumigil.”

Sheena na-awkward kay Rocco

Papasok na nga sa GMA primetime teleserye na Hiram Na Alaala ang ex-girlfriend ni Rocco Nacino na si Sheena Halili.

Magiging magkaibigan nga raw sila ni Rocco sa naturang serye kapag nagkita na sila sa ward ng ospital kunsaan naka-confine ang character nito.

Sey nga ni Sheena na okey na raw sila ng kanyang ex-boyfriend at pareho na silang nag-move on. Meron na nga raw Lovi Poe si Rocco at meron naman daw siyang masugid na manliligaw.

“Non-showbiz po siya,” sabay ngiti ni Sheena na blooming ngayon.

“Kailangan din naman natin ng inspiration, ‘di ba? Pero hanggang doon lang muna. Gusto ko lang na kinikilig ako dahil matagal ko nang hindi naranasan ito!”

Inamin nga ni Sheena noong mag-break sila ni Rocco, matagal silang hindi nagkita. Awkward ba noong nagkaeksena na sila?

“Before naman kami nag-taping, nagkita na rin kami ng ilang beses na.

“So yung awkwardness, wala na—lumipas na. Kasi nga okey na, move forward na tayong lahat.”

Mark walang pag-asang makarelasyon si Shaira

Happy nga ang TV5 star na si Mark Neumann dahil ginawa siyang bida sa bagong handog na Wattpad Presents Mr. Popular Meets Miss Nobody na magsisimula na sa September 29.

Gaganap nga siyang campus heartthrob at bully na si Kyle at aapihin niya ang isang ordinaryong girl named Chelsea pero magkakaroon siya ng feelings para rito. Ang ka-loveteam niyang si Shaira Mae dela Cruz ang gaganap na Chelsea.

Nagpapasalamat nga si Mark sa kanilang fans ni Shaira Mae na ShArk dahil tinutulungan silang i-promote on social media ang kanilang kilig mini-series.

Boyfriend nga ni Shaira ang aktor na si Edgar Allan Guzman at more than a year na raw silang may relasyon.     

Okey lang daw kay Mark dahil professional lang daw ang relasyon nila ni Shaira Mae.

 

vuukle comment

ARLINGTON CHAPELS AND CREMATORIUM

BARANGAY PALIGSAHAN

CHELSEA

CHERRY PIE

NAGPAPASALAMAT

ROCCO

SHAIRA MAE

SHEENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with