Magkakahalong lungkot at saya ang nararamdaman ng buong cast ng Be Careful with My Heart sa nalalapit na pagtatapos ng serye.
Yes, pagkatapos ng more than two years ng pamamayagpag sa ere, magpapaalam na ang nasabing family drama series na kinasanayan na nating panoorin tuwing umaga.
Sa farewell presscon ay naitanong nga sa buong cast lead by Richard Yap and Jodi Sta. Maria ang kanilang nararamdaman as the series comes to an end at ang iba’y naging emosyonal tungkol dito.
Pero si Jodi, aniya ay nai-prepare na naman niya ang sarili dahil alam naman niyang may katapusan ang lahat ng bagay. Pero siyempre, mami-miss daw niya ang serye at lahat ng mga kasamahan since more than two years daw silang magkakasama.
Sinigundahan naman ito ni Richard at aniya, they just try to be positive about the whole thing and looking forward sa mga darating pang ibang oportunidad.
“Of course, there’s a little bit of sadness na matatapos kasi siyempre, it has given a lot of opportunity not only to me kundi sa lahat ng katrabaho namin,” say pa ni Ser Chief (Richard).
“Parang ano, eh, at least, nabigyan sila ng trabaho, lahat, mga crew, for two years and a half straight, may trabaho sila. Siyempre, we think about them,” he said.
May isang buwan pa namang tatakbo ang serye bago ito magtapos at pagkatapos nito, ani Jodi ay baka magbakasyon siya kasama ang anak na si Thirdy sa ibang bansa para naman magka-bonding silang mag-ina at makapagpahinga na rin.
Kung kasama rin ang boyfriend niyang si Jolo Revilla, ‘yan ang hindi na sinabi ni Jodi.
Si Ser Chief naman, may gagawin lang siyang isang pelikula na pang Metro Manila Film Festival, ang Praybeyt Benjamin 2 kaya medyo maluwag-luwag na ang schedule niya at mahaharap na ang pamilya.
For the past two years, aminado naman si Richard na talagang nagkulang siya ng oras sa asawa’t mga anak.
“Minsan, hindi na kami nagkikita. Magkikita kami, minsan, breakfast lang ‘pag paalis na sila, ako rin paalis na rin, at minsan hindi na rin kami nagkikita (sa breakfast) kasi tulog pa ako,” he said.
Hindi ba nagtatampo ang misis niya?
“Hindi naman, kasi parati naman kaming nag-uusap. Kahit nandito ako sa set, nagtatawagan kami or nagte-text kami. Wala namang problema sa kanya kasi alam naman niya, trabaho ito, eh. She’s very understanding kasi alam naman niya kung ano ang pinasok namin,” pahayag ni Richard.
When asked kung sino sa lahat ng naging leading ladies niya ang pinaka-gusto ng kanyang asawa, say ni Richard ay si Jodi raw.
“Kasi, siya ‘yung pinakamatagal. This is the longest running soap, so far. ‘Yung iba naman, medyo maigsi lang, so hindi naman masyadong na-focus sa loveteam,” he said.
Michael malakas ang laban
Pangalawang beses nang sumabak ni Michael Pangilinan sa malaking singing competitions – ‘yung una ay para sa X-Factor Philippines a year ago and this time naman, bilang interpreter ng obra ng award-winning composer na si Joven Tan - ang Pare, Mahal Mo Raw Ako na isa sa pinakamalakas na song sa nasabing songwriters competition.
Malakas ang kanta in the sense that it became viral at super-trending dahil sa kakaibang theme nito. It’s a serious song about a man and his gay best friend na nang malaman ng lalaki na na-in love sa kaniya ang kaniyang gay best friend, nakikiusap siya na baka puwedeng hanggang friends lang sila dahil hindi niya kaya pag sobra pa roon.
This Sunday na (Sept. 28) ang grand finals ng Himig Handog P-Pop Love Songs 2014 at gaganapin ito sa Smart Araneta Coliseum. 15 songs - all original - and 19 interpreters ang maglalaban-laban.
It’s anyone’s game actually dahil lahat ng songs ay magaganda. Makakalaban ni Michael ang ilan sa pinakamalalaking pangalan sa music industry like Jed Madela, Juris, Marion Aunor, Hazel Faith dela Cruz, Jugs and Teddy, Bugoy Drilon, Jovit Baldovino, Jessa Zaragoza, Angeline Quinto, KZ Tandingan, Morisette Amon, Abra, and Daniel Padilla.