Auditions ng Bonakid Pre-school Ready Set Laban, sisimulan na

MANILA, Philippines - Ngayon (Sunday), sisimulan na ng kiddie game show na Bonakid Pre-school Ready Set Laban Season 2 ang auditions sa Glorietta Activity Center. Makakasama ng mga contestant ang Kapuso actor-TV host na si Mikael Daez at celebrity mom Regine Tolentino.

Inihahandog ng GMA Network at Bonakid Pre-School, ang Ready Set Laban Season 2 ay gameshow na pangungunahan ng Kapuso TV host na si Drew Arellano kasama ang mga moms and kids na haharap sa mga challenges bawat linggo.

Ang mga mom and kid tandems na nais mag-audition ay sasabak sa isang VTR at interview. Magkakaroon din ng auditions sa SM City Davao Event Center (Setyembre 21) at sa Ayala Center Cebu Activity Center (September 28).

Madami pang mga adventures at challenges ang naghihintay sa mga mom and kid tandems, kasama ang ilang celebrity pairs, sa pag-uumpisa ng Bonakid Pre-School Ready Set Laban Season 2 ngayong Oktubre 5 sa GMA.

Show comments