Ngayon, at the age of 32, gusto na raw ni Christian Bautista na mag-asawa at magkaroon na ng sariling pamilya. Eh ang kaso wala siyang girlfriend ngayon at zero ang love life ng pogi at sikat na singer, recording artist, concert artist, TV host, at actor ng GMA 7. Isa siya sa may mahalagang role sa Strawberry Lane, co-host at performer sa dance show ni Marian Rivera na Marian, sa Sunday musical show ng GMA 7 na Sunday All Stars, at iba pang karaketan. Yes, loveless si Christian ngayon dahil break na sila ng kanyang girlfriend na foreigner. Kaya panay ang out of the country niya para mag-concert. If ever na matagpuan niya ang babaeng magiging ina ng mga anak niya, ‘di na siya magdadalawang isip na pakasalan ito. Dream niya na sa itaas ng bundok ang kasalan, at ang reception ay sa beach, sa ibaba ng bundok.
Sa Monday, Sept.15 magpi-premiere telecast na ang isa sa seryeng punung-puno ng mga karakter na pangungunahan ng young stars na sina Bea Binene at Jake Vargas ang Guy and Pip na maituturing ngayon ng GMA 7.
Papalitan ng Strawberry Lane ang top rating series na Niño. Makakasama nila Jake at Bea rito sina Kim Rodriguez, Joyce Ching, Joana Marie Tan, at Rita de Guzman. Sila ang magagandang young talents na magpapakilig sa mga binatang viewers. Kakikiligan din ang mga young male stars na sina Kiko Estrada (anak ni Gary Estrada) at Jeric Gonzales.
Kasama rin ng bagets ang mga senior stars tulad ng happily married na si Boots Anson-Roa-Rodrigo na inamin na may ikalawang glorya sa piling ng lalaking, pinakasalan last April. Kilig to the bones ang mga press people sa presscon ng Strawberry Lane kasi ‘pag kumakain sila, sinusubuan siya ni Atty. King. si Chanda Romero naman na seven years nang ka-live-in ang BF niya ay one year nang ikinakasal. Ayon sa magaling at beteranang aktres, iba raw ang feeling ng isang ikinasal sa simbahan at may blessing ng pari. Mas secured siya at mas gumanda ang takbo ng kanyang showbiz career. Sina Sheryl Cruz, Sunshine Dizon, Tj Trinidad, at Christian Bautista naman ang iba pa sa mga magpapamalas ng kanilang galing sa Strawberry Lane sa direksyon ni Don Micheal Perez with creative writer Jun Lana & group of GMA talented writers under pa rin ng primetime block head na si Gilda Olvidado.
MRT walang puso sa mga matatanda at may kapansanan!
Wala kayang puso ang MRT management sa mga senior citizen, sa mga pilay at mga mga naka-wheelchair? Bakit kaya ayaw nila ayusin ang mga elevator sa ilang station like sa Buendia, Araneta Center-Cubao, GMA-Kamuning, at iba pa nilang station na matagal nang “out of order” as in, sira at walang pakinabang. Sarap daw sunugin sabi ng isang mama na nakasaklay. Hoy gumising naman kayo!