Belle at Solenn panay ang hanap sa masasarap na kainan

MANILA, Philippines - Isa na namang fab, fresh, at fun na Sabado ang naghihintay sa Kapuso viewers ngayong Setyembre 13 sa Taste Buddies kasama ang celebrity best friends na sina Belle Daza at Solenn Heussaff dahil lilibutin nila ang iba’t ibang restaurants sa Manila na sikat sa kani-kanilang specialty dishes.

Makakasama ng food buddies na sina Belle at Solenn sa kapana-panabik at katakam-takam na adventure na ito ang kanilang guests na sina Aira Bermudez at Paolo Paraiso.

Para sa serious coffee drinkers na mahilig ding kumain, ini­rerekomenda nina Solenn at Aira ang Kuppa Roastery and Café kung saan matututunan nila hindi lamang ang tamang paraan ng pagro-roast ng kape kundi pati na rin ang paggawa ng pizza.

Sina Belle at Paolo naman ay aalamin ang sikreto ng pagluluto ng Kansi, isang espesyal na soup mula sa Bacolod na perfect sa maulan na panahon, mula sa casual restaurant na kilalang-kilala sa pagse-serve ng Ilonggo comfort food—ang Kanteen.

Samantala, classic brunch food naman ng Marmalade Kitchen ang trip ng GMA Artist Center talent na si Steven Silva kung saan makakasama niya si Chef Aileen Anastacio.

Tampok din ngayong Sabado ang Mad Marks Creamery & Good Eats na naghahain ng isa sa pinakamasarap na homemade ice creams at steaks sa Metro.

Huwag palampasin ang fab, fresh, at fun na Taste Buddies episode ngayong Sabado, Setyembre 13, 8:45PM sa GMA News TV.

Show comments