^

Pang Movies

Mayor Bistek tinutulungan ang mga kaibigan ng nanay

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Napakaganda ng naisipan  ni Mayor Herbert Bautista para sa mga kaibigang press ng kanyang nanay, si Mommy Baby. Darling of the press ito noong araw! Sa kanilang bahay sa New York street sa Cubao, bihira ang araw na walang bisitang press si Mommy Baby. At palaging may pameryendang sopas o goto kaya.

Noong magpa-birthday si Mayor sa mga press, sinabi niyang higit siyang kailangan ngayon ng mga kaibigan ng parents niya, dahil hindi na bumabata ang mga reporter. Nagbiro nga si Mayor, ‘yung dating nakikita niya ay may tungkod na ngayon, ‘yung iba naman numipis na ang mga buhok.

Nagkatawanan ang mga press na dumalo sa pa-birthday party ni Mayor na ginanap sa Valencia event’s place ni Mother Lily. Naroon si Mother na sumilip muna bago pumunta sa kanyang meeting. Masaya ang naturang party. Marami siyang magagandang balak para sa Quezon City.

Bukod tangi siyang nakaisip magbigay ng pa-birthday party para sa press.

Xian baka maunahan pa ni Coco kay Kim

Bakit naman daw pakyeme-kyeme pa at ayaw umamin nina Kim Chiu at Xian Lim kung sila ba o hindi? Baka dahil diyan, maagaw pa ni Coco Martin si Kim Chiu na balitang matindi ang crush ni Coco sa Cebuanang Star Magic artist.

Effective na kontrabida, Celeste isang tingin pa lang nakakatakot na!

Kung anong lambing kumanta, sobrang katarayan naman ng singer na si Celeste Legaspi sa kanyang papel sa Ang Dalawang Mrs. Real.

Hindi pa man siya nagsasalita, mukha na itong kontrabida sa eksena. Matalim kasi ang mga mata ng tisay na aktres-singer.                

vuukle comment

CEBUANANG STAR MAGIC

CELESTE LEGASPI

COCO MARTIN

HERBERT BAUTISTA

KIM CHIU

MOMMY BABY

MOTHER LILY

MRS. REAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with