Sorry na lamang pala kung sinuman ang kukuha sa isang actress, kung may death scene siya at kailangan niyang ipasok sa kabaong. Never palang pumayag ang actress sa ganoong eksena. Ewan kung may trauma siya sa ganoong eksena, pero totoo naman na hindi lahat ng artista ay papayag na ipasok sila sa kabaong. Kaya ang actress, tinatanong pala muna kung ano ang mangyayari sa kanyang character at kung may death scene, nakikipag-compromise na siya kung ano ang gagawin sa said scene.
Mga batang nakulong sa pagawaan ng sardinas, ginawan ng pelikula
Naimbita kami sa presscon ng Tumbang-Preso pero hindi pala ito ang laro ng mga bata kundi isang indie film tungkol sa human trafficking at may genre na suspense-thriller. Idinirek ito ni Kip Oebanda at based sa true story niya nang isilang siya habang nakapiit ang kanyang ina during the Martial Law. Ang karanasan niya ay isinalin sa story ng magpinsang sina Carlo (Kokoy Desantos, 14) at Jea (Therese Malvar, 13) na naniwalang may trabahong ibibigay sa kanila sa Manila pero nakulong lamang sila sa isang sardines factory. Eye-opener ang eksenang naglalagay ang mga bata ng sardinas sa lata at nahihiwa ang kanilang mga daliri, pero sabi raw ng may-ari, “okey lang, ‘di na mapapansin ‘yan dahil pula naman ang sauce.” Pero niliwanag ni Direk Kip na noong araw pa iyon, dahil ngayon, machine na ang ginagamit ng sardines factory sa paglalata nila ng produkto nila. Tampok din sa indie film sina Kean Cipriano, Ronnie Lazaro, Kerbie Zamora, Ms. Jaclyn Jose, at may special participation si Shamaine Buencamino. Produced by Albert Almendralejo and Direk Kip, showing na sila sa October 8 exclusively sa SM Cinemas.
Bagets na pinataob ang mga beterano, umaasang magkaka-career na sa GMA
Itinuwid na ng unang nakilala sa name na Tere Malvar na Therese Malvar, ang tunay niyang pangalan, ang ginagamit na niya simula nang mag-sign siya ng co-management contract with GMA Artist Center ang manager niyang si Ferdy Lapuz. Si Therese ang tumalo kina Nora Aunor at Vilma Santos sa Gawad Urian sa mahusay niyang pagganap sa Cine Filipino entry na Ang Huling Cha-Cha ni Anita. She’s hoping na mabigyan siya ng magandang project dahil aminado naman siyang she’s too thin and small for a 14-year old. Gumanap na siyang batang Jennylyn Mercado as Roxanne sa drama series na Rhodora X. At papasok na siya sa educational show na Tropang Potchi na napapanood every Saturday, sa GMA 7.