Heart nag-sorry kay Cesca, P-Noy kasali sa entourage!

Kinumpirma kahapon ni Heart Evangelista sa Startalk na February 15, 2015 ang pag-iisang dibdib nila ni Senator Chiz Escudero sa Balesin Island.

Ikinuwento ni Heart na February 13 pa lang, lilipad na siya sa Balesin Island para makapagpahinga at mapaghandaan ang private wedding nila ni Papa Chiz.

Nag-apologize si Heart kay Cesca Litton dahil sa confusion na nangyari at pinagpistahan ng mga tao na mahihilig sa intriga at kontrobersya ang kanilang wedding.

Si Cesca ang TV host na nagreklamo dahil na-bump off ang February 14 wedding nila sa Balesin ng kanyang fiancée na si Tyke Kalaw. Gaya ni Heart, ex-girlfriend siya ni Jericho Rosales.

Sinubukan ni Heart na mag-reach out kay Cesca nang pumutok ang kontrobersiya pero hindi sila nagkaroon ng chance na magkausap. Ang common friend lamang nila ni Heart ang nakausap nito.

Sinabi ni Heart na 500-hectares ang lawak ng Balesin Island kaya puwedeng-puwede sila ni Cesca na mag-share. Sa rami ng nangyari, ewan ko lang kung interesad­o pa si Cesca at ang fiancée nito na magpakasal sa Balesin.

Maraming beautiful islands ang Pilipinas. Sigu­ro naman, may mahahanap si Cesca na beach resort na kasing ganda ng Balesin.

Tandaan, high tide o low tide man, may 7,107 islands ang ating bansa, kahit tanungin n’yo pa si Charlene Gonzales.

Confirmed na best man sa Evangelista-Escudero nuptials si P-Noy.

Kinausap na ni Papa Chiz si P-Noy bago siya nag-pro­pose ng kasal kay Heart. Hindi nagdalawang-isip ang pangulo. Tinanggap agad niya ang imbitasyon ni Papa Chiz kaya tiyak na ang participation ni P-Noy sa kontrobersyal na kasalan na magaganap sa Balesin.

Pro-RH Bill daw!: Heart sinigurong hindi pa agad pabubuntis kay Papa Chiz

Sa true lang, hindi na nagpapaapekto si Heart sa mga bashing sa kanya sa social media. Blooming na blooming siya nang umapir kahapon sa Startalk. Larawan siya ng complete happiness.

Mas iniintindi ni Heart ang preparasyon sa nalalapit na pag-iisang dibdib nila ni Papa Chiz.

Isa pa sa main concern ni Heart ang pagdalo sa kasal nila ni Papa Chiz ng kanyang mga magulang. Hoping against hope si Heart na makakasama niya ang ama at ina sa importanteng araw sa kanyang buhay.

Tiniyak nga pala ni Heart na malabo na mabuntis siya bago dumating ang February 15, 2015 dahil Pro-RH sila ni Papa Chiz. RH for Reproductive Health.

Mga gustong sumali sa StarStruck ‘di dapat paloko

Dagsa ang mga kabataan na nagsadya kahapon sa pamumudmod ng application forms ng StarStruck VI sa GMA 7 compound.

Umaga pa lang, nakapila na sila sa GMA Network Drive para makakuha ng application forms.

May advise ang GMA 7 sa mga bagets na gustong sumali sa Starstruck VI, huwag magtiwala sa mga tao na lumalapit sa kanila at nagpapakilala na mula sa GMA 7.

Pumunta lamang kayo sa mga designated audition areas at huwag magpabola  sa mga tao na nagpapanggap na mga talent scout sila ng Starstruck.

Libre at walang bayad ang application forms. Kapag sinabi ng kiyeme-kiyemeng talent scout na may bayad ang application forms, magduda na kayo at magsumbong sa authorized representatives ng GMA 7 at Starstruck.

Show comments