MANILA, Philippines - Naglabas na ang Viva Communications ng official statement sa pagri-resign ni Sharon Cuneta sa TV5. Naintriga lang kami sa ilang bahagi ng statement dahil nga biglaan ang announcement ni Sharon.
Narito ang buong pahayag ng Viva tungkol sa pag-resign ni Shawie sa Kapatid Network:
“Sharon Cuneta’s contractual relationship with TV5 Network. Inc. officially ended on 18 August 2014, more than two (2) years ahead of the original contract period that was supposed to expire on 2016. Ms. Cuneta graciously announced the end o her relationship with TV5 in social media, and TV5 later came out with an official statement thanking Ms. Cuneta for being part of the Kapatid Network for almost three (3) years and wishing her well in all her future endeavors. Underneath those cordial expressions, however, lie a host of unresolved issues pertaining to the pre-termination of the contract, including the causes thereof and the consequential injuries suffered by the aggrieved party. These matters are left for resolution privately between the parties themselves or, if necessary, through appropriate formal proceeding. In the meantime, Ms. Cuneta intends to enjoy the restful company of people who have always loved and believed in her, in good times and in bad times, and at the same time, re-create herself for even bigger opportunities in her phenomenal career.
“Thank you very much.”
Naku, may formal proceedings pang magaganap in the future na nakasaad sa statement, huh!
Marian nagpaulan habang naghU-host
Nagpakabasa talaga sa ulan sina Marian Rivera, Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Ballesteros sa Juan for All! All for Juan segment ng Eat Bulaga! sa Pasig City kahapon.
Ganoon ka-dedicated ang hosts ng segment ng Eat Bulaga na umulan man o umaraw ay tuloy ang pagtulong sa kabarangay na napiling bigyan ng Puhunan ni Marian at iba pang regalo mula sa programa, huh!
Pinahalagahan ni Yan Yan ang mga anak ng babaeng napili ang kahalagahan ng edukasyon sa isang tao. Tapos ng pag-aaral ng GMA Primetime Queen bago niya pinasok ang pag-aartista.
Hangga’t hindi pa sagaran ang preparasyon sa kasal nila ni Dingdong Dantes, tuloy pa rin sa kanyang trabaho si Marian. Tuloy na rin kasi ang season 2 ng dance musical niyang Marian kaya kakayod pa rin siya para sa programa hanggang December 6, huh!
PhilLip lusot sa estafa ng dating asawa, kinatigan ng CA
Nakalkal sa ABS-CBN entertainment website ang pagkatig ng Supreme Court sa hatol ng Court of Appeals kay Phillip Salvador sa kasong estafa na isinampa laban sa kanya ng dating girlfriend na si Cristina Decena.
Unang hinatulan ng lower court si Phillip na guilty sa kaso. Pero sa apela nito sa CA, binaliktad nito ang hatol at acquitted ang aktor.
Nagsampa ng motion for reconsideration si Decena pero mas pinaboran ng SC ang unang desisyon ng CA dahil hindi nito napatunayan ang elemento ng kasong estafa.