Inamin ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa dance show niyang Marian last Saturday na hanggang sa ngayon, para pa rin siyang nasa alapaap kahit last August 9 pa ginawa ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ang marriage proposal sa kanya sa birthday celebration niya sa show. Ito’y dahil after two years daw nasabi na rin nila ni Dingdong ang lahat tungkol sa kanilang balak na pagpapakasal. Pero mahirap daw pala dahil ang dami nilang inihahanda para sa nalalapit nilang kasal. Ang ipinagpapasalamat daw lamang niya, nandun lagi si Dingdong na kahit very busy rin ay inaasikaso ang lahat ng details, hindi siya pinababayaang mag-isa.
Enpress at Puregold nag-gift giving
Salamat sa Puregold, sa pamamagitan ng kaibigang Chuck Gomez, isang masaya at makabuluhang hapon ang naranasan ng mga members ng Entertainment Press Society (Enpress) sa gift giving activity na ginawa nila sa White Cross in San Juan City last Thursday, August 27. Bukod sa gift giving, nagsagawa rin ang mga dumalong members na naglaan ng kanilang oras, ng feeding program sa more than fifty children na inaalagaan ng White Cross, ages two years old and up.
Isang naiibang karanasan iyon sa mga members na bawat isa ay naging surrogate parent sa simpleng paraan ng pag-aalaga at pagpapakain sa mga bata ng complete meal na handog pa rin ng Puregold.
Sa tulong ng Puregold, nagbigay din ng donasyon ang Enpress sa White Cross, tulad ng ilang kahong assorted grocery items at mga cleaning materials tulad na rin ng request nila.
Miguel nakilala ng mga pasahero ng MRT
Ipinakita ng 15-year-old na si Miguel Tanfelix ang professionalism niya nang mag-isang sumakay ng MRT last Thursday. Bumaba siya ng kotse niya at sumakay sa Magallanes hanggang GMA station, para hindi siya mahuli sa pocket presscon ng inspirational drama series nilang Niño. Natuwa naman si Miguel dahil nakilala siya at tinawag na Niño ng mga kasakay niya, ang iba ay nagpa-selfie pa sa kanya.