Maraming nagulat nang mag-late post si Megastar Sharon Cuneta sa Facebook niya, Friday, 11:01 p.m.: “I am going to drop clues every now and then as to the things I will be working on which will start sooner than you think! So keep watching out for those clues. Goodnight everyone! Sweet dreams and May God bless you always. In the meantime I leave you with this BIG announcement: SHARON CUNETA is NO LONGER with TV5.”
May tinawagan kaming close friend ni Sharon at tinanong kung totoo, sagot niya hindi niya alam ang detalye dahil si Sharon daw ang nag-post nito sa Facebook at Twitter accounts nito. Sa tanong namin kung tapos na ang contract ni Sharon sa TV5, ang alam daw niya three years pa ito, pero hindi niya alam kung ano ang usapan nila ng TV5. Kung totoo na nagpapapayat na si Sharon, may naka-post na raw itong bagong picture sa Sharon Cuneta fan page na halata nang pumapayat ang Megastar.
Ibong Adarna matagal inayos bago ipalabas
Masaya ang press preview ng Ibong Adarna: The Pinoy Adventure na isinulat nina Jun Urbano at Angelo Hernandez at si Jun din ang nag-direk for Gurion Entertainment. Bago ang press preview, nakausap na namin si Direk Jun at nakiusap siyang tulungan daw sila para naman mapanood ng mga tao ang movie simula sa October 1. Ayaw man ni Direk Jun na sabihing ito rin ang entry nila sa 2013 Metro Manila Film Festival (MMFF) na hindi nakapasa, isang reason ay dahil mas pinili ang entry na si Rocco Nacino rin ang bida, ang Pedro Calungsod, Batang Martir.
Hindi raw mga showbiz ang mga producers niya, at nanghinayang ang mga ito na hindi maipalabas sa commercial theater ang movie na bida nga si Rocco kaya inayos nila ang pelikula at ngayon ay ready na for showing. Ikinuwento ni Direk Jun sa mga entertainment press ang story ng Ibong Adarna ngayon at ang back story ng mahiwagang ibon na isa palang magandang dilag matapos mahalikan ni Prinsipe Sigasig (Rocco) matapos gumaling ang amang si Sultan Mabait (Joel Torre). Kaya na-excite din kaming mapanood ang movie na nagtatampok din kina Angel Aquino, Leo Martinez, Benjie Paras, Ronnie Lazaro, Lilia Cuntapay (na may love scene) at Bb. Pilipinas International 2008 Pat Fernandez as the fairy na tumulong kay Prinsipe Sigasig para mahuli ang Ibong Adarna.
Maganda ang movie, production design, cinematography, script, at sound. Sayang lamang at nagloko ang DVD na ginamit at nagputul-putol ang eksena pero hindi iniwanan ng mga entertainment press na naaliw kay Direk Jun na kapag naputol ang dialogue ay siya ang nagtutuloy. Nabuo rin ang panonood namin at nakita ang transformation ng Ibong Adarna into a beautiful lady at na-starstruck sa kanya si Prinsipe Sigasig.
Danica at LJ nagpuntang Spain, suportado ang mga basketbolistang asawa
Kasama ang mga misis ng ibang members ng Gilas Pilipinas players sina Danica Sotto-Pingris at LJ Moreno-Alapag, para suportahan ang kanilang mga husbands na kasali sa FIBA World Cup na kasalukuyang ginaganap sa Spain. Lahat ng basketball games ay mapapanood sa TV5 na nagsimula na kagabi, 6:30 p.m.