2014 MBC National Choral competition bukas na sa mga gustong sumali

MANILA, Philippines - Inaanyayahan ng Manila Broadcasting Company ang iba’t ibang choirs mula sa mga paaralan, parokya, komunidad, tanggapan, at maging mga special interest groups na lumahok sa 2014 MBC National Choral Competition.

Itinuturing bilang pinakamalaking all-inclusive choral competition sa bansa, tampok dito ang labanan sa children’s division at open category.  Mahigit isandaang libong piso ang nakalaan sa mga magwawagi.

Magsasagawa ng live auditions sa Cauayan, Isabela (September 27), Iloilo (October 4), at sa Star Theater sa Pasay (October 12).

Ang mga choir sa iba pang mga lalawigan ay maa­ring mag-audition sa pamamagitan ng pagpapadala ng high-quality video lakip ang application form.  Dapat itong matanggap sa MBC head office bago mag-ika-10 ng Oktubre.  

Ang detalyadong contest mechanics ay maaring makita sa official Facebook page ng MBC National Choral Competitions

Maaring magpare­histro o magbigay ng iba pa’ng katanungan sa 89.7 Yes FM Cauayan – 0917.433.0344;    97.5 Love Radio Iloilo – 0917.501.7070;  o kaya’y mag- email sa siouxstar@gmail.com para sa Mega Manila auditions.

 

Show comments