^

Pang Movies

Tuesday pumiyok sa totoong ugali nina Ryan at Robin

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Ayaw ngang i-compare ni Tuesday Vargas ang bagong host ng Talentadong Pinoy na si Robin Padilla sa dating host nito na si Ryan Agoncillo.

May sariling style daw sa pag-host ang dalawa kaya bahala na raw ang publiko na magsabi nito.

“It’s not really for me to say how the viewing public will accept the transition but all I can say is, having known Ryan for so many years, as a father, as a guy, alam ko ‘yung ibinigay niyang prestige for Talentadong Pinoy.

 “Sabi ko nga, Alabang kid yan, from Hillsborough so when he became the host of the show, ‘yung mga taong galing sa masa, naiangat niya, naging aspirational ‘yung palabas.

 “Nung pumasok naman si Kuya Robin, hindi siya dumaan dun sa ruta ni Ryan. Pinili niyang dumaan sa ilalim. Kinilala niya ‘yung mga tao, ‘yung mga contestants. That also works for me.

 “Nakasama ko siya before pa sa teleserye na Totoy Bato, but I don’t really know him that well. But seeing how he conducts himself professionally, Kuya Robin really took the time to mingle with everyone, wala siyang pinipili,” diin pa ni Tuesday.

Pareho nga raw walang arte sa katawan sina Robin at Ryan kaya madali raw silang makatrabaho. ‘Yun daw ang pagkakapareho nilang dalawa.

 “Hindi sila maarte. Pareho silang game kaya ang saya nilang kasama,” ngiti pa niya.

Kung dati ay talent scout si Tuesday sa Talentadong Pinoy, ngayon ay siya na ang nagbibigay ng updates sa mga contestants.

 “As one of the talent scouts in the past, I was just a small part of the show. Bahala na ‘yung tao kung matutuwa sila sa sasabihin ko about the contestants. But now, every show, I’m there. Every talent, I have a say. That’s what I do now.

 “Nami-miss ko talaga ang magbigay ng comment sa technical side ng performances. Pero ang ipinalit naman ay nakakausap ko na ang talents bago sila umakyat ng stage. Tapos nakakausap ko rin ang mga pamilya at kamag-anak pagbaba nila. Nabigyan ako ng chance na makita ‘yung tao sa likod ng talent,” pagtatapos pa ni Tuesday Vargas.

Emmy awards very touching ang tribute kay Robin Williams

Kahit na may isang taon na noong umere ang final episode ng hit US TV series na Breaking Bad, ito pa rin ang nagwagi bilang Outstanding Drama Series sa katatapos lamang na 66th Primetime Emmy Awards na ginanap last August 25 sa Nokia Theatre in Los Angeles, California.

Napanalunan din ng Breaking Bad ang Outstanding Lead Actor (Bryan Cranston), Outstanding Supporting Actor (Aaron Paul) at Outstanding Supporting Actress (Anna Gunn).

Nagwagi naman for the 5th time as Outstanding Comedy Series ang Modern Family. Napanalunan din nito ang Outstanding Supporting Actor in a Comedy Series for Ty Burrell.

Si Julia Louis-Dreyfus ang nanalong Outstanding Lead Actress in a Comedy Series for Veep. Si Jim Parsons naman ay napanalunan ang kanyang 4th trophy as Outstanding Lead Actor in a Comedy Series for The Big Bang Theory.

Si Juliana Margulies ang nanalong Outstanding Lead Actress in a Drama Series for The Good Wife.

Dalawang trophies naman ang nauwi ng aktres na si Allison Janney: Outstanding Supporting Actress in a Comedy Series for Mom at Outstanding Guest Actress in a Drama Series for Masters of Sex.

Napanalunan ng British mini-series na Sherlock ang Outstanding Lead Actor for Benedict Cumberbatch at Outstanding Supporting Actor for Martin Freeman.

Ang US mini-series naman na American Horror Story: Coven ay nakuha ang Outstanding Lead Actress for Jessica Lange and Outstanding Supporting Actress for Kathy Bates.

Outstanding Mini-Series or TV-Movie went to Fargo.

Pinaka-touching moment nga ng buong awards night ay ang maramdaming tribute sa yumaong comic genius na si Robin Williams na pinangunahan ng kanyang kaibigan na si Billy Crystal.

Nagsimula ang career ni Robin on television du­ring the 70s sa paglabas niya sa mga comedy shows na Laugh-In at The Richard Pryor Show. Dahil sa kanyang husay, kinuha siyang guest sa Happy Days kung saan unang lumabas ang famous character niya na si Mork from Planet Orc. Doon nagsimula ang idea ng kanyang biggest break on TV na Mork & Mindy.

Huli ngang napanood si Robin sa comedy series na The Crazy Ones na tumagal lang ng isang season.

 “It’s very hard to talk about him in the past because he was very present in our lives,” sey pa ni Billy Crystal sa naturang tribute.

COMEDY SERIES

DRAMA SERIES

OUTSTANDING

OUTSTANDING LEAD ACTOR

OUTSTANDING LEAD ACTRESS

OUTSTANDING SUPPORTING ACTOR

OUTSTANDING SUPPORTING ACTRESS

SERIES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with