MANILA, Philippines - Sosyal sina James Reid at Nadine Lustre. Opisyal na silang bahagi ng Kapamilya network dahil sa ginawa nilang pagpirma sa network kasama si Boss Vic del Rosario na ibinahagi ni Mico del Rosario, isa sa PR bigwigs ng ABS-CBN.
Siyempre pa, may kinalaman ang kinita sa takilya ng second team-up ng Talk Back and You’re Dead ang pagpirma nila sa Channel 2. Kahit mas malakas ang una nilang tambalan na Diary ng Panget, hindi dahilan ‘yon upang hindi magtiwala ang top executives ng network na itali sila.
Now, puwede nang magsama sa isang movie ang love team nina James at Nadine sa love team nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, huh!
Of course, alam ng lahat na produkto ng Pinoy Big Brother si James. Napabayaan nga lang siya ng network kaya napunta sa Viva Films. Hindi nga naman nila akalain na ‘yung bano sa Tagalog noon ay tatangkilikin ng tao sa movie.
Si James kasi, guwapo na at malakas ang appeal sa publiko lalo na sa babae, huh! Mas “maganda” nga lang siyang ‘di hamak kay Nadz, huh! Ha! Ha! Ha!
Manny wala nang oras sa pamilya?
Kakayanin pa ba ni Manny Pacquiao ang trabaho ng isang mambabatas? Aba, pasok na siya sa PBA draft bilang bahagi ng Kia Team. Magsisimula na rin siya ng ensayo laban kay Chris Algieri para sa bout nila sa November.
Tapos heto at nagsimula na ang Pambansang Kamao ng bagong show sa GMA kung saan host siya ng game show kasama si Solenn Heusaff.
No wonder may mga report na si Pacquiao ang isa sa congressmen na marami ang absences sa kongreso. Full-time rin kasi ang maging member ng Congress na kapag recess ang Kongreso at saka lang walang sesyon.
Check natin kung may silbi ang time management na sinasabi ni Manny sa rami ng trabaho niyang gagawin bukod sa pagiging congressman, at kung may oras pa siya sa pamilya huh!
Andre kailangan ng push ng GMA para sumikat
Artistahin na talaga ang dating ni Andre Paras. Kaya naman huwag na niyang pangarapin pang umangat din ang career niya sa basketball, huh!
Mabuti na lang, sa hosting at drama ang pinasok ni Andre. Hindi siya sumabay sa ama na si Benjie Paras na comedy ang tinahak na landas. Sa ganoon, magkaiba ang image nila kaya walang magsa-suffer ng comparison sa kanya sa ama.
Hayaan na lang si Andre na ipaubaya sa bunsong kapatid na si Kobe ang basketball. Basta siya, tindihan lang ng GMA ang suporta’t makakagawa sila ng bagong matinee idol sa katauhan ni Andre, huh!