Nadagdagan ang mga kababaihan na taga-hanga ni James Reid dahil pinanood nila ang Talk Back and You’re Dead ng Viva Films.
Tinitilian si James sa mga eksena niya ang kuwento ng isang source na nanood ng bagong pelikula ng love team nila ni Nadine Lustre.
Kung paano tinilian si James sa mga eksena niya sa Diary ng Panget, ganoon din ang nangyari sa mga sinehan na pinagtatanghalan ng Talk Back and You’re Dead.
In fairness kay James, mahal na mahal siya ng mga TV at movie camera. Feel na feel ng moviegoers ang kanyang nagmumura na presence sa wide screen.
Sharon hindi nag-iisa na dumaranas ng mid-life crisis
Hindi nag-iisa si Sharon Cuneta dahil maraming artista na kagaya niya ang dumaraan sa mid-life crisis.
Normal ang nararanasan ni Sharon na masuwerte dahil alam niya kung paano i-handle ang kanyang pinagdaraanan. At least, hindi in denial si Sharon bilang matalino siya na babae.
Dumarami ang mga kaso ng suicide dahil sa matinding depression na nararanasan ng ibang mga tao.
May mga artista na nalulong sa paggamit ng illegal drugs para matakasan ang depression na nararamdaman. May mga natatauhan bago maging huli ang lahat pero merong nagtutuluy-tuloy ang depression na humahantong sa self-destruction.
Iilan ang mga celebrity na kagaya ni Sharon na hinaharap ang depression at nilalabanan ang mid-life crisis. Malaking tulong ang suporta na natatanggap niya mula sa kanyang pamilya.
Wala kasing utang na loob, Nicco malayong mahigitan o mapantayan ang ama!
Ngayon pa lang gumagawa ng pangalan ang anak ni Jose Manalo na si Nicco pero pinararatangan na agad siya na walang respeto at utang na loob dahil nilayasan niya ang kanyang mentor/discoverer na si Ferdy Lapuz.
Ang pagiging nega ng image ni Nicco ang malaking sagabal para umunlad ang kanyang acting career. Puwedeng magaling siya na artista pero mas marami ang mga aktor na mahuhusay at higit sa lahat, marunong tumanaw ng utang na loob. Good luck na lang kay Nicco na maagang nalunod sa isang basong tubig.
Teka, bakit ko nga ba pinatulan ang isang nameless actor na hindi ko naman personal na kilala, maliban sa kanyang claim na anak siya ni Jose? Malabo at malayong-malayo na mahigitan o mapantayan ni Nicco ang popularity ni Jose dahil marunong ito na makisama.
Kiray nag-uumapaw ang self-confidence
Usung-uso ngayon ang Make-Up Transformation pero pinaka-winner sa akin ang make-up transformation ni Senate President Franklin Drilon na biglang naging si Mae Paner aka Juana Change.
Actually, puwedeng mapagkamalan na magkapatid sina Mae at Senator Drilon dahil magkamukhang-magkamukha sila.
Kung si Mae naman ang gagawan ng make-up transformation, si Kiray Celis ang naiisip ko na magiging siya. Ka-lookalike ni Mae si Kiray na feeling beautiful sa tunay na buhay at sa mga eksena niya sa Somebody to Love.
Kinaiinggitan ang nag-uumapaw na self-confidence ni Kiray dahil nagawa nito na paniwalain ang lahat na isa siyang Diyosa. Kiray Celis is Kiray Celis!
Mas maganda pa si Kiray!
Aktres feeling beautiful, nuknukan ng yabang
Mas pipiliin ko si Kiray, anytime, kesa sa isang aktres na feeling beautiful pero nuknukan ng yabang.
Lalong yumabang ang aura ng hitad nang mag-win ng acting award. As if, big deal ang pagkakaroon ng acting award, eh iilan na lang ang sumeseryoso sa mga award-giving body. Kahit sino na lang, nagbibigay ng mga acting award sa kagustuhan nila na maka-face to face ang kanilang mga favorite star.