Sabay ang opening today ng dalawang romantic-comedy movies, ang Somebody to Love nina Carla Abellana, Iza Calzado, Matteo Guidicelli, Isabelle Daza, at Jason Abalos, directed by Jose Javier Reyes for Regal Entertainment at Talk Back and You’re Dead ng love team nina James Reid at Nadine Lustre, Yassi Fressman at Joseph Marco, directed by Andoy Ranay, na co-produced ng Viva Films at Skylight Films. Sa trailers ng both movies makikita mo nang parehong feel-good ang story na tiyak na mai-enjoy ng mga manonood. Showing na ito simula ngayon in cinemas nationwide. Birthday presentation ni Mother Lily Monteverde ang Somebody to Love. Kahapon, August 19, ang birthday niya.
Ngayon pa lang, Dingdong takot lokohin si Marian
Siniguro ni Dingdong Dantes sa mga kausap na entertainment press na tanging si Marian Rivera lamang ang magiging Mrs. Dantes sa buhay niya once na nakasal na sila, hindi tulad ng drama series na napapanood natin gabi-gabi sa GMA 7, ang Ang Dalawang Mrs. Real na asawa na niya si Millet (Maricel Soriano), nagpakasal pa siya kay Shiela (Lovi Poe).
“Nakita ko na ang consequences na may dalawang asawa, kaya bakit ko pa gagawin iyon in real life,” natatawang wika ni Dingdong.
“May higit pang mga eksenang mangyayari na ikawiwindang ni Anthony. May court scene pa kaming gagawin. Sino ang magdedemanda ng bigamy kay Anthony? Ayaw ko ring mangyari iyan sa aming dalawa ni Marian. Patutunayan ko sa kanya na buong buhay ko, siya lamang ang mamahalin ko.”
Nicco walang utang na loob?!
Si Nicco Manalo pala ang tinutukoy sa blind item na pagkatapos tulungan ng kanyang manager, iniwan na niya sa ere, dahil may nag-offer na bagong manager sa kanya. Nakakagulat lamang dahil nang makausap namin si Nicco bago ang premiere night ng Barber’s Tales biniro pa siya ng mga entertainment press na baka dahil sa sunud-sunod sa magagandang feedbacks sa acting niya sa The Janitor na nanalo siya ng Best Supporting Actor sa New Breed Category sa Cinemalaya X, at dito nga sa Barber’s Tales, baka naman magtaas na siya ng presyo. Bahala raw ang manager niya, si Ferdy Lapuz.
Pero after a few days, nalaman na naming iniwan na ni Nicco si Ferdy. Tinanong daw nito kung ano ang career plan sa kanya ng manager dahil nag-offer na ang Cornerstone na i-manage siya. Iyon lamang at tinanggihan na ni Nicco ang meeting na tinawag sa kanya ni Ferdy at nagpadala na lamang siya ng e-mail na lilipat na siya ng bagong manager. Mayroon pa naman daw nakuha si Ferdy na TV guestings si Nicco sa GMA Network, pero tinanggihan na nito. Sa biro nga raw kay Ferdy na iniwan na siya ng talent na lumaki agad ang ulo sa mga papuri, ang sagot na lamang niya: “okey lang po ‘yun. Mas importante ako iyong iniwan at hindi ako ang nang-iwan.”