MANILA, Philippines - Ngayong Martes sa inaabangang My Destiny, magkakagulo nang pilitin ni Paul (Ruru Madrid) na makita si Nicole (Gabrielle Garcia) at makakaharap niya sina Jacob (Sis Lucero) at Ruth (Ayen Munji-Laurel). Magtatapos ito sa pag-aawayan pisikal nila Jacob at Matthew (Tom Rodriguez).
Malalaman ni Paul na lumpo si Nicole. When Nicole wakes up, laking gulat niya nang di niya maramdaman ang kanyang mga binti. She’ll be looking and asking for Paul. Later, Paul will be able to sneak inside Nicole’s hospital room. They make a pact na walang iwanan. Pero mahuhuli sila ni Ruth.
Pagtataguan naman ni Arnold (Al Tantay) si Boss Manny nang pumunta ito sa kanilang bahay. Magtataka si Agnes sa kakaibang kilos ng asawa. Sa pag-uwi ni Joy (Rhian Ramos), una silang pumunta sa simbahan na kinagulat ni Agnes (Lorna Tolentino) dahil si Arnold ang nag-insist. Sinalubong sila ng fans ni Joy kabilang si Letlet.
Haharapin ni Felix and Letlet si Grace and asks kung alam na ba ni Joy about Grace and Mr. Trustworthy. While talking, maririnig pa sila ni Joy. Mabuti na lang at mapapalusutan ni Grace (Carla Abellana).
While fixing for the thanksgiving party, Joy sees in a card na “Lucas Matthew Andrada” pala ang real name ni Lucas. Masaya raw at pareho silang may Matthew ni Grace.
Sa Miyerkules naman, sisipot si Matthew sa party ni Joy para sabihin na sa kanya ang totoo (re: Matthew and Grace affair). Nang magkaharap-harap na sina Matthew, Grace at Joy, bigla namang may darating na mga pulis to arrest Arnold for embezzlement. Magugulat ang lahat. Di na naman makakapagtapat sina Grace at Matthew!
Worried sina Agnes, Grace at Joy. Susunod sa presinto si Grace kasama si Agnes. Makikiusap naman si Nicole kay Ruth na huwag ng kasuhan si Paul. Problemado tuloy si Selena. Sa presinto, aamin si Arnold sa kasalanan niya. Sisihin ni Joy ang sarili. Iko-comfort naman ni Matthew si Grace at mag-aalok ito ng tulong sa dalaga.
Hindi mawawalan ng pag-asa si Grace at Agnes. Balak nilang pambayad ang bahay at lupa nila para makalaya si Arnold. Maririnig ni Joy si Grace na may kausap sa telepono. May konting pagdududa si Joy.
Desidido sina Grace, Joy at Agnes na ilabas sa kulungan si Arnold. Kukunan din ni Grace ng Video si Joy para kay Arnold. Samantala, gusto na ring harapin ni Paul ang kasong isasampa nila Ruth sa kanya.
Ano ang mangyayari kay Paul?