^

Pang Movies

Royal wedding sa December 30 na, Marian wala pang napipiling gown

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pormal nang ipinahayag ng Royal Couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang nalalapit nilang pagpapakasal sa harap ng media kahapon sa 17th floor ng GMA Network. Ito ang kasunod nilang announcement matapos ang on air live wedding proposal last Saturday sa dance show na Marian ng GMA ng Primetime Queen.

Gaganapin sa darating na December 30 ng taong kasalukuyan sa Immaculate Concepcion Cathedral sa Cubao, Quezon City ang kasal nina Dong at Yan Yan. Mahalaga ang simbahan sa dalawa dahil doon sila madalas na nagsisimba at doon din kasi bininyagan si Dong. Pagdating sa date ng kasal, ‘yun ang pinili nila dahil magtatapos na ang taon at ayaw naman nilang sumabay sa New Year’s Eve.

Sa ngayon ay sapatos pa lang ang nabibili ni Marian na susuotin. Paiba-iba pa ang isip niya sa design ng wedding gown na gagamitin. Pati iba pang detalye ay hindi pa naisiwalat ng couple to be at motif ng mga damit at dekorasyon.

Although isa sa listahan na nasa isip nilang maging ninong ay si President Noynoy Aquino na malapit kay Dingdong. Tiyak na hindi rin mawawala sa listahan si Governor Vilma Santos-Recto na ina-inahan ni Yan Yan. Maids of honor din ang kaibigan ni Marian na sina Ana Feleo at Roxanne Barcelo at kapatid  naman ni Dingdong ang best man.

Bale second proposal na ni Dong ang ginawa last Saturday. Unang naganap ito last 2012 sa birthday ng aktres sa Macau.

Tanong namin sa dalawa, hati ba sila sa gastos?

“Can you please answer that?” sabi ni Marian kay Dong.

“Ako, ako!” diin ni Dong. “Isa lang ang hiniling ko, sapatos lang!” sabad naman ni Yan.

Bakit natagalan ang desisyon nila after two years na engaged na sila?

“Ahhh, actually, wala naman talagang maliwanag na kung papaano…” bitin na sagot ng aktor.

Wala bang ibang babae o lalaking na-involve pa bago ang desisyon niya?

“Hindi. I think ‘yung spiritual preparedness. ‘Yung level of maturity. Parang ganoon. Kasi ‘yung sa akin, napag-usapan namin talaga na it’s really time already. And wala naman kaming inaantay na kailangang tapusin o gawin.

“Malaking factor na rin ‘yung edad pero I guess ‘yung pinakamahalaga sa lahat na ‘yung willingness na namin to start a family together. ‘Yan na tala­ga ang pinakamalaking factor na na-consider,” paliwanag ni Dong.

Maraming nag-ilusyong babae kay Dong, ano ang isang ugali ni Marian upang talagang masabi niyang swak na swak sa hanap niya?

“Malaking bagay ‘yung… Malaking bagay sa akin ‘yung taong willing mag­­sakripisyo at gawing prio­rity ang pagbuo ng pamilya. Kasi hindi naman lahat ganoon ang thinking,” rason ng aktor.

Eh, si Marian naman?

“Anong meron sa kanya? Alam naman nating lahat na guwapo siya, nasa kanya ang lahat ng katangian. Pero isa sa maipagmamalaki ko na siya ang isang partner na dadalhin ka niya sa mas magandang pananaw, mas mabu­ting pag-uugali. Kasi ‘yung ‘yung tipong…Hindi ko naman nilalahat. Pero sa isa kong kaibigan, may something na ‘yung sinusulsulan pa ng boyfriend.

“Si Dingdong, hindi ganoon. Siya ‘yung tipo ng taong, ‘Relax ka lang. Matatapos din ‘yan. So dinadala niya ‘yung magandang pag-uugali mo na…Hindi ko alam kung ano ‘yung eksaktong…Sa tama eh. Iba ‘yung kanya. Siya ‘yung nagga-guide sa akin upang maging mas mabuting tao. Hindi siya ‘yung sulsulero. Lalaki siya. Maganda po siyang impluwensiya sa akin!” paliwanag ni Marian.

Teka, ‘pag nag-asawa na ba sila, sabay na silang maliligo sa banyo?

 “Of course!” deklara ni Marian.

Aba, iba na siya ngayon, huh!

 “Kasi, puwede na. Ano pa? Game!” hamon sa amin ni Yan Yan. “Pagkakataon mo na ito!” dagdag niya.

Teka, komo December 30 ang kasal nila, ibig bang sabihin ay uunahan nila ‘yung magaganap na putukan sa December 31?

 “Bawal na ang magpaputok, hindi ba? Torotot na lang! Mana sa ‘yo!” natatawang sagot ni Marian.

Siyempre pa, ang GMA ang may exclusive coverage ng kasal nina Dingdong at Marian!

                                                            

vuukle comment

KASI

MARIAN

NAMAN

YAN

YAN YAN

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with