Drama actress ‘di masikmura ang kasinungalingan ng female celeb

Disappointed ang isang drama actress sa isang female celebrity dahil sa pagiging sinungaling nito.

Noon ay bilib pa naman daw ang drama actress sa female celebrity dahil mukha raw itong mabait, matino, at maayos kausap. Pero nagkamali nga siya sa unang impression dahil nakita na niya ang tunay nitong pagkatao.

“Mapapalagpas ko na ang pagiging arogante niya sa ibang tao. Pero ang pagiging sinungaling niya, ibang usapan na iyon.

“Ilang beses ko na siyang nahuling nagsinunga­ling. Hindi lang sa akin kundi pati na sa mga taong malapit sa akin.

“Para sa akin, she doesn’t deserve my friendship. Patung-patong na ang mga kasinungalingan niya. Pakiramdam ko, kahit ang sarili niya, pinagsisinu­ngalingan na niya.

“Napapaniwala niya ang sarili niya na matino siya. Nakakatakot na siyang tao kaya she doesn’t deserve the friendship I have for her,” emote pa ng drama actress.

Kaya sa lahat ng social media ay “unfriend” at “unfollow” siya sa female celebrity na ang hobby ay ang magsinungaling.

Binura na rin niya ang cell phone number ng female celebrity sa kanyang cell phone pero patuloy pa rin daw itong nagpapadala sa kanya ng mga Biblical messages.

“Hindi siya nahihiyang gawin iyon, eh hindi naman niya sinusunod. Hindi ba may kasabihan na practice what you preach?

“Kaso isa siyang congenital liar kaya wala siyang karapatan na gamitin ang mga salita ng Panginoon. Kilabutan naman sana siya!” pagtatapos pa ng drama actress.

Pagod na pagod na raw, Isabelle lalayas ng ‘Pinas bitbit ang BF

Lilipad nga si Isabelle Daza sa Italy para makapagpahinga kahit short vacation lang. Nangarag raw si Belle sa patung-patong na trabaho niya nitong mga nakaraang buwan.

Bukod nga sa natapos niya ang romantic-comedy na Somebody To Love ng Regal Entertainment, dalawang horror movies ang sinu-shoot niya: Mara with Jasmine Curtis and Paulo Avelino at Kubot: The Aswang Chronicles 2 with Dingdong Dantes na isa sa official entries ng 2014 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Sa TV naman ay Lunes hanggang Sabado napapanood si Belle sa Eat Bulaga. Meron din siyang cooking show na Taste Buddies with Solenn Heussaff at may guest role siya sa primetime series na Niño.

“I need lang to recharge because masyado lang akong napagod. Kapag sobra na akong stress sa work, I can’t function properly.

“Kaya I need this vacation para lang makapahinga. Pero hindi naman ako tatagal because I still have work. Basta makapag-recharge lang ako, ready na ako to work again na maayos,” diin pa ni Belle.

Makakasama ni Isabelle sa kanyang brief vacation ay ang kanyang French boyfriend na si Adrien Semblat.

Tig-$1M kada episode, cast ng TBBT tiba-tiba sa talent fee!

Ka-level na nga ng cast ng hit US comedy series na The Big Bang Theory (TBBT) ang cast ng Friends for being “the highest-paid TV stars” in US Television history.

Ang tatlong bida nga ng The Big Bang Theory na sina Jim Parsons, Johnny Galecki, at Kaley Cuoco ay tatanggap ng $1 million per episode para sa bagong contract ng kanilang show for the next three seasons.

By the end of the contract, kikita ang tatlo ng higit sa $72 million!

Bago nagkapirmahan for season 8, ipina-hold muna ng cast ng show ang kanilang contracts hanggang hindi nami-meet ang kanilang salary increase demand.

The rest of the cast na sina Simon Helberg, Kunal Nayyar, Melissa Raunch, at Mayim Bialik ay tumatanggap naman ng $100,000 per episode. Pero on-going pa rin ang kanilang negotiations para makuha nila ang negotiated price na $800,000 per episode.

Since nagsimula ang The Big Bang Theory in 2007, ito na ang naging highest-rated comedy on US television na umaani ng higit na 20 million viewers per week.

 

 

Show comments