Marian hindi na puwedeng agawan!

MANILA, Philippines - Pinasalamatan ni Dingdong Dantes sa kanyang Twitter account ang lahat ng bumati sa kanila ni Marian Rivera. Buong mundo kasi ang nakasaksi sa wedding proposal ng aktor sa girlfriend last Saturday sa dance show ng aktres na Marian.

“You’re all part of our love story. Life changing! Cheers!” maiksing tweet ni Dong kumpara sa litanya sa harap ng fiancée sa show. Umiral nga ang pagiging bungisngis ni Yan Yan kaya sinabihan siya ni Dong ng, “Hoy, seryoso ito!”

Maraming kinilig at naiyak sa wedding proposal na ‘yon ni Dong. After more than six years ng relas­yon, wala nang sibat at punyal na puwedeng huma­rang sa kanilang pagpapakasal.

Tapos na rin ang mga hidwaang naganap kay Ma­rian at sa ibang aktres na ikinakabit kay Dong. Ang mahalaga, nalampasan nila ang mga unos sa relasyon with flying colors at silang dalawa rin ang lalakad patungo sa altar!

Kung kelan ang kasalan, ‘yun ang isa sa kukulitin namin kina Dong at Yan Yan, huh!

Ginaya ang network war rampahan ng bukol ng male bikini models may exclusivity na rin!

Dinayo na rin ng mga kontesero ng male bikini open contests ang go-see ng isang clothing brand. Hindi na ito solong balwarte ng mga ramp models at foreigners na malakas ang loob magpakita ng bukol, huh!

May mga nag-audition na nakilala ng ilang bading na madalas manalo sa bikini contest.  Kahit kasi may edad na ang lalaki, may dating pa rin sa mga beki, huh! Makinis kasi at guwapo naman kahit tumataas na ang kanyang hairline, huh!

Sa mga rampahan ng mga bukol ng modelo at artista, dalawa ang event na tinututukan ng mga bading. Magkasunod na buwan ang rampahan na ‘yon na hindi lang bading ang tumitili kungdi pati mga babae rin, huh!

‘Yun nga lang, mukhang may exclusivity clause ang mga sasali sa event. ‘Pag lumabas ka na sa isang event ng hubaran, hindi ka na puwede sa isa and vice versa. Kaloka dahil pati sa labanan ng mga bukol, may exclusivity issue, huh! Gayahin ba ang network war?!

Nicco tinalo ang ama na si Jose sa aktingan!

Talbog daw ng anak na si Nicco Manalo ang ama na si Jose Manalo sa aktingan. Umani kasi ng papuri ang anak ng komedyante sa isang performance sa katatapos na Cinemalaya X.

Wala namang isyu ‘yon kay Jose dahil anak naman niya ang naikukumpara sa akting niya. Eh, produkto rin kasi ng stage plays si Nicco bago pumalaot sa pag-arte.

Ang paggawa ng indie movie ang naging daan upang makakawala siya sa anino ng ama. But in fairness naman kay Jose, magaling din siyang magpaiyak gaya ng ginawa niya nu’ng nakaraang Lenten drama ng Eat Bulaga.

Malay natin, one of these days, magsama sa isang acting vehicle ang mag-ama na Jose at Nicco, huh!

Show comments