Wala namang magawa ‘pag may binibitay na Pinoy sa China CHR Commissioner nakikisawsaw sa pananampal ni Bistek

Hindi nakapagpigil si Mayor Herbert “Bistek” Bautista nang makaharap niya ang isang Tsinong drug pusher na nahuli sa isang mall sa Quezon City. May dala iyong shabu na nagkakahalaga ng labinlimang milyong piso. Nang tinatanong ni Mayor Bistek ang suspect, ayaw sumagot noon kaya nakunsumi siguro si mayor, nasampal niya nang kaliwa’t kanan. Tapos hinuli na nga iyon ng mga pulis at dinala sa Kampo Karingal.

Ang daming nag-react agad sa ginawa ni mayor, matapos na iyon ay ipalabas ng TV5 News. Maraming nag-comment sa Internet na tama lamang na sampalin ang mga ganoong pusher. May nagsasabi pa ngang dapat daw ay bitayin agad. Iyang comments na iyan ay mula sa mga karaniwang mamamayan, hindi mo masasabing fans lang ni Bistek iyon kaya ganoon ang sinasabi.

Pero ang tunay na buhay, para ring pelikula. Mayroon laging kontrabida. Pumasok si CHR Commissioner Etta Rosales na nagsabing kahit na daw suspect ay may karapatan naman at hindi dapat sampalin nang ganoon.

Bakit ang mga Pilipinong nahuhuli sa China na may dalang mga droga, hindi man ganoon kadami binibitay nila? Kahit na makiusap pa ang gobyerno natin na i-review lamang ang kaso bago ang hatol hindi nila pinakikinggan. Bakit ngayong isang Tsino ang nahuli sa Pilipinas na may ganyan karaming droga, nasampal lang labag na daw sa human rights.

May human rights ba dapat ang isang taong hindi naman gumagalang sa karapatan ng buhay ng mga kapwa niya tao?

Hindi sa kinakampihan namin si Mayor Bistek ha. Artista iyan at kaibigan namin iyan, pero hindi namin kinakampihan kung mali, kagaya noong panliligaw niya kay Kris Aquino. Pero ngayon kung kami lamang ang tatanungin ha, dapat talaga upakan pa nga iyong Tsinong iyon eh.

Sex video scandal ng dalawang actor na sisindak sa showbiz, sumisingaw na

Hindi namin alam kung bakit nga ba matunug na matunog ang mga usapang ang susunod daw na sex video scandal na sisindak sa showbiz ay sa pagitan naman ng dalawang lalaki. May ganoon? Ang alam namin iyong mga bakla sa show business pinakakalihim-lihim nila ang kanilang mga activities dahil alam nila masisira sila basta makumpirmang bading sila, eh bakit nga ba gagawa pa sila ng sex video?

Kung sa bagay noong araw may isang bading na gumawa ng ganyan, na ang kasama naman ay isang male bold star, pero walang video kung ‘di sound recording lamang kung saan maririnig mo ang boses niya at ang boses ng male bold star. Malaking iskandalo rin iyon noong araw. Nagkasaksakan pa iyong dalawang iyon eh. Sinaksak noong bading iyong male bold star.

Show comments