Matapos hiwalayan ni misis: Aktor na mahilig mag-selfie nang nakabalandra ang katawan, baklang-bakla na!

Napagbibintangan na baklita ang aktor na hiniwalayan ng dyowa dahil sa hilig niya na mag-selfie.

Walang araw na hindi naglalagay ang aktor ng litrato niya sa kanyang mga social media account at madalas na topless siya sa mga picture.

Masyadong mahal ng aktor ang sarili. Dedma siya sa mga batikos dahil mas mahalaga sa kanya na ipakita sa madlang-bayan ang hubad na katawan. Feel na feel niya kapag sinasabi ng followers na guwapo siya at to die for ang kanyang hunky body. May mga nakakalusot sa social media accounts ng aktor na love na love ang sarili, ang detractors niya na diretsahan ang pagsasabi na baklita siya.

Derek may ‘sumpa’ sa mga Cristine?!

Former model pala si Mary Christine Jolly, ang ex-wife ni Derek Ramsay na humihingi sa aktor ng mala­king sustento para sa kanilang anak na Austin ang name.

Nagandahan ako kay Mary Christine nang makita ko ang mga picture. May dahilan si Derek para ma-in love sa kanya noon.

Nang pumutok ang balita na idinemanda ni Mary Christine si Derek, napaisip ako. Isa kaya siya sa mga dahilan kaya nagkahiwalay sina Derek at Cristine Reyes?  Baka may phobia na si Derek sa mga girl na Cristine ang pangalan?

Kahit matagal sa Amerika Kobe hindi yumabang, diretso pa rin ang pagta-Tagalog

Guest namin kahapon si Kobe Paras at totoo ang tsismis na tumangkad siya dahil yata sa stretching exercises niya sa school na pinapasukan sa Amerika.

Natutuwa ako kay Kobe dahil diretso pa rin ang pag­sasalita niya ng Tagalog. Hindi siya katulad ng ibang mga aktor na overacting ang accent hitsurang mali-mali ang kanilang mga English grammar. Sila ang mga aktor na kahit Tagalog ang tanong ng press, walang takot sa pagsasalita ng American language.

Andre believable na walang gf!

Magkasabay na nag-guest sa Startalk si Kobe at ang kanyang Kuya Andre na sumusumpa na single at walang girlfriend.

Believable ang claim ni Andre dahil wala siyang oras para manligaw bilang pinagsasabay niya ang ta­ping ng The Half Sisters at ang pagpasok sa school.

Masuwerte si Benjie Paras sa pagkakaroon ng mababait na anak na komportable na sa presence ng mga reporter dahil alam nila na hindi na sila tatanungin tungkol sa kanilang nanay na si Jackie Fors­ter.

Intsik na nambastos kay Papa Herbert dapat sampolan ng death penalty!

Imbyerna ang mga Pinoy sa Intsik na sinampal-sampal ni Quezon City Ma­yor Herbert Bautista.

Nakakaloka ang mga komento ng mga kababayan natin laban sa Intsik na pinaghihinalaan na drug dealer. Kulang daw ang mga sampal sa kanya ni Papa Herbert dahil sa kabastusan na ipinakita niya. Ang makulong forever ang Intsik kapag napatunayan na guilty ito ang sigaw ng bayan. May mga nagsasabi na dapat nang ibalik ang death penalty at unang sampolan ang Intsik na nakuha pa na magpa-cute sa harap ng mga TV camera habang iniinterbyu si Papa Herbert ng mga news reporter. Dapat tutukan ang kaso ng abusadong Intsik para malaman kung may Pilipino na nagpapalakas ng kanyang loob at kasabwat niya sa pagbebenta ng mga illegal na droga!

Show comments