Natupad ang wish ni Nora Aunor na gumanap bilang bida-kontrabida sa indie film na Hustisya na palabas sa Cinemalaya X at hanggang Linggo pa mapapanood.
Dahil sa bigat ng role, si Ate Guy na ang hinuhulaang mananalong Best Actress para sa Directors Showcase. Ang pelikula ay sa direksyon ni Joel Lamangan na mula nang magsimula ang Cinemalaya last Friday ay wala pa atang absent sa panonoood ng mga ibang palabas sa Cinemalaya.
Sa totoo lang naman, consistent ang acting ni Ate Guy sa Hustisya. Wala ka talagang itatapon sa acting niya.
Kaya tiyak meron na namang gagayahing dialogue ang mga stand up comedian na kino-kopya ang mga ginagawa niya.
Samantala, marami namang nagtatanong sa mga nanood kung bakit naging hustisya ang pamagat ng pelikula eh hindi naman daw nabigyan ng justice sa ending ng indie movie ni Ate Guy bilang si Biring na dating tauhan ng isang babaeng ang negosyo ay human trafficking at sa kalaunan ay siya na ang naging bossing sa naging illegal na gawain.
Robin hindi na nagulat sa ginawa ni Aljur
Tiyak na hindi na nagulat si Robin Padilla sa ginawa ni Aljur Abrenica sa Kapuso Network kahit hindi pa tapos ang kontrata nito.
Nauna na nitong iniwan sa ere ang anak niyang si Kylie Padilla na sabing nakipag-break lang ang aktor thru text sa nobya. Kaya tinawag ni Binoe na bakla ang Macheteng aktor dahil sa ginawa nito kay Kylie.
Pasalamat si Aljur na nasa peace mode pa si Binoe dahil sa katatapos lang ng Ramadan or else makakatikim na naman ito sa Bad Boy dahil sa idinadawit nito ang anak na si Kylie sa isa sa reklamo kaya gusto niyang kumawala sa GMA 7.