Jennylyn ‘nakipagbalikan’ kay Dennis!

May balitang nakipag-date si Jennylyn Mercado sa ex-boyfriend nitong si Dennis Trillo. Idinenay ito ng aktres pero hindi ang pagbabalikan nila bilang magkaibigan.

Anang aktres, “Nag-e-enjoy ako sa pagiging single. Huwag sanang bigyan ng malisya ang pagiging magkaibigan naming muli ni Dennis. Focus ako ngayon sa aking career at pamilya.”

Higit na maganda ngayon si Jen kaya may ilang Kapuso actor ang type siyang ligawan gaya ni Luis Alandy at iba pa.

Carla bitbit sa bakasyon si Tom?!

Kung maganda ang nakaraang taon kay Carla Abellana pagdating sa career, higit siyang abala this year dahil dalawa ang TV shows nito at meron pang pelikula.

Maganda rin ang love life nito kung saan kinikilig siya kapag natatanggap at nababasa ang mga tula at kantang nilikha ng ka-partner na si Tom Rodriguez.

Magbabakasyon ngayong November sa Sydney, Australia si Carla kasama ang kanyang mommy at kapatid. Manonood din sila ng concert ni Katy Perry.

Ayon sa balita, nagpa-book sa isang travel agency ang aktres ng isang aktor na ang ginamit syempre ay tunay na pangalan ni Tom. Magkasama kaya silang magbabakasyon sa Australia?

Green inferno grabe ang kainan ng lamang-loob

Kuwento ng projectionist na si Jun habang nanonood sa preview ng The Green Inferno ng Solar Pictures at ng ilang empleyado ng Robinson’s Galleria ay nahulog sa silya ang isang kasama nila dahil sa labis na pagkamangha sa pelikula na nauukol sa cannibalism na forte ng director na si Ely Roth.

Hindi mo makakayanan ang pagkain ng mga laman-loob ng mga binihag ng tribu nang mapadpad sila sa gubat. Ang anim na mga kabataang aktibistang ito ay nagpunta mula sa New York to Amazon para i-save ang rainforest.

Pero nahuli sila, isa-isa silang kinakain at tinatadtad pa ang katawan kung saan nagtatalsikan ang dugo. Ang bidang babae lang ang nakaligtas sa adventure-thriller na ito. Ang The Green Inferno ay malapit nang mapanood sa inyong paboritong sinehan.

Show comments