Sandara patagong dumating ng ‘Pinas
MANILA, Philippines - Darating daw sa bansa si Sandara Park pero palihim lang ang pagpunta niya rito upang suportahan ang kaibigang Korean na magkakaroon ng mini-concert sa isang bar.
Patakas lang daw ang pagdating ni Sandara rito. Baka kasi mapagalitan siya ng management company niyang nag-aalaga sa career ng K-Pop group niyang 2NE1.
The last time kasi na pumunta si Sandara kasama ang kanyang grupo, talaga namang binubulabog nila ang kanilang fans at ‘yung mahilig sa K-pop, huh! This time, quiet lang ang Koreana kaya hindi rin niya pinalagay ang name niya sa promo materials ng concert ng kaibigan.
Direk Joey nanawagan kay MVP na sagipin ang Cinemalaya
Na-habagat ang shooting ni Direk Joey Reyes ng horror movie niyang Dilim sa Regal sa isang beach sa Cavite. Sinimulan niya ang shooting nito upang hindi raw siya tamaan ng tinatawag na ghost month ngayong buwan.
Tampok sa movie sina Kylie Padilla, Rayver Cruz, Rafael Rosell, at Ella Cruz. Ambisyon ng director na kunan ang eksenang katatakutan sa gitna ng university belt, huh! Pero ngayon pa lang ay hindi niya ma-imagine kung paano kukunan ‘yon, huh!
Tapos na kasi ni Direk Joey ang Regal movie niyang Somebody To Love. Abala rin siya bilang jury ng Cinemalaya X kung saan kanyang inirerekomenda ang lahat ng indie films.
Aminado ang writer-director na hirap ngayon ang Cinemalaya dahil binitawan ng businessman na si Tony Boy Cojuangco ang pagbibigay ng subsidy na cash sa entries na kasali.
“Understandbly kasi, ‘pag government, mas maano ang red tape, ‘di ba? Siyempre, kaban ng bayan ang ginagamit, ‘di ba? Lalo na ngayon, ang daming kumukuwestiyon kung paano ginagasta ang pera ng tax payer. Hirap sila!
“Like this year, ang hirap ng disbursement. Kasi ang laki ng 500 thousand pesos na paggawa ng pelikula. Hirap sila. Hirap din sila kasi dati, at this time, may screeners na na-distribute na sa mga jurors. Ngayon, wala pa.
“Naiintindihan ko kung bakit ginib-ap ni Tony. Nagkulang ‘yung marketing nila eh. That’s’ not enough to do that. Kailangan may arm ka na nagbebenta. Sana meron pa next year at sana, may isang pilantropo rin na mag-finance ng Cinemalaya, ‘di ba?” paliwanag ni Direk Joey.
Sa pagkawala ni Tony Boy, ang isang katulad ni Manny V. Pangilinan ang inaasam ng director na suportahan ang susunod na Cinemalaya.
Pag-aming bisexual ‘di pumatok, Fifth tsugi sa bahay ni Kuya
Napatalsik na sa Pinoy Big Brother (PBB) All in si Fifth Pagotan, kakambal ni Fourth, na unang napalayas sa Bahay ni Kuya. Malalaman natin kung mabibigyan ng magandang break sa Kapamilya station ang kambal na lumikha rin ng konting ingay sa reality show dahil sa pag-amin ni Fifth na bisexual siya, huh!
Kasi, ‘yung unang nasibak, may sinalihan nang programa kahit support lang sila. Sila pa kayang bihasa na sa mundo ng showbiz, huh!
Umingay muli ang PBB nang pumasok sa bahay si Jason Abalos, boyfriend ng housemate na si Vickie Rushton. Balitang nagselos ang aktor sa Brazilian housemate na si Daniel Matsunaga.
Naayos naman ang gusot kina Jason at Vickie at nagkalinawan na rin ang aktor at si Daniel sa pagiging malapit nila ng co-housemate.
- Latest