MANILA, Philippines - No mention kay Sarah Geronimo ang name ng boyfriend na si Matteo Guidicelli sa press launch ng Yes! Magazine kung saan kinabog ng Pop Princess ang ilan sa naggagandahang artista upang tanghalin siyang 2014 Most Beautiful Star ng babasahin.
Reynang-reyna ang treatment sa kanya ng staff ng Yes! na bukod sa magagandang kuha ay pinalakad pa siya sa red carpet patungo sa stage, huh!
Ayon sa editor-in-chief na si Jo-Ann Maglipon, unanimous ang pagpili kay Sarah ng staff ng magazine.
“For some reason, we all said, ang ganda, ganda, ganda ni Sarah! More than any other time! In fact, in my editorial, that was I put down. We all just felt na she’s at her prime! Ha! Ha! Ha!
“Wala namang magku-question sa choice na ito. Kahit na ‘yung mga gustong mag-asungot ng mga questions or objections, I don’t think you can say anything.
“Sarah is not only supremely talented in all three areas of work - acting, singing, and dancing. She is also, you know, a very good person! The very strong sense of family, her concerns of the gratefulness of the people who have supported her! She is superior lady even when she’s not performing!” bahagi ng pahayag ni Jo-Ann.
Lubos ding hindi makapaniwala si Sarah sa recognition na iginawad sa kanya ng Yes! Ang Panginoon ang una niyang rason kung bakit lumalabas na maganda lahat ang ginagawa niya. Tinanong siya ng show host na si Iya Villania kung ano sa tingin niya ang maganda sa kanya.
“Sa anong aspeto ‘yan? Siguro, paniniwala ko, kaya may mga taong parang sinasabi nila…Siguro nakaka-relate sila. ‘Yung pinagmulan ko. Katatapos lang ng The Voice Kids. ‘Yung pinagdaanan ko noon. ‘Yung mga singing competitions. ‘Yung buhay namin noon, nakita ko sa mga batang ito.
“I believe na naging inspirasyon ako, ng mga batang ito or sa maraming tao, na kailangan talaga, ‘pag may pangarap ka sa buhay, hindi hindrance ‘yung hirap ng buhay. Tapos, ‘yung sinasabi ng tao na, ‘Ha? Wala namang star quality ‘yan! Hindi naman maganda ‘yan. Hindi naman magaling ‘yan!’
“So ‘yon! Nasagot ko ba ang tanong mo? Ha! Ha! Ha! Siguro, kung paano ko…How I lived my life!” katwiran pa ng Pop Princess.
Susog ni Iya, ang pagiging mabait na anak ang isa rin sa dahilan ng maganda niyang pananaw sa buhay.
“May katigasan naman ang ulo ko! Ha! Ha! Ha!” dagdag ni Sarah.
Binigyan-credit din ni Sarah ang kanyang pamilya sa magandang upbringing niya bilang ordinaryong tao. Sayang nga lang at wala si Matteo sa launch na isa rin sa kinilalang beautiful stars ng Yes!
Megan Young umalma kaya? Cris may ‘planong’ akitin si Mikael
Sasabak na rin sa teleserye ang stage actress na apo ni Armida Siguion-Reyna, pamangkin ni Direk Carlitos at pinsan ni Rafa. Biro nga niya, “I begged! Ha! Ha! Ha!” nang makausap ng press sa dinner/presscon na ipinatawag ni Bibeth Orteza para sa Cine-malaya X entry ng Reyna Films na Hari ng Tondo.
Produkto ng stage si Cris Villonco. Huli niyang ginawa ang stage version ng pelikulang Ghost kasama si Christian Bautista. So bukod sa stage at ilang movies, nasa cast siya ng GMA series na Ang Lihim ni Annasandra ni Andrea Torres.
“Kontrabida po ako. Pero nakagawa na ako sa Maalaala Mo Kaya last year and this year, pero maiksi lang.
“So this time, nag-start na po ako ng taping. Kontrabidang-kontrabida po ako. Nu’ng nakita ko ang script for second week, naku, matatapunan talaga ako ng asido! Ha! Ha! Ha! Kasi ang dami-dami ko nang ginagawa sa kanya.
“I’m seducing Mikael (Daez) half of the time! Ha! Ha! Ha!” say ni Cris.
Dahil papasok na siya sa TV na matagal na niyang hinahangad, pahinga muna siya sa stage plays.
“So finally, now that I have the chance, go na!” saad niya.
Gaya sa iba niyang roles sa stage, Inglis-Inglisan muli si Cris sa unang teleserye. First time niya mang-aapi ng mahihirap at may mga dayalog siya na first time namutawi sa kanyang bibig, huh!
Sa Hari ng Tondo, apo ni Robert Arevalo ang role niya na mula sa magarang bahay sa Forbes Park ay itinira ng lolo sa Tondo kasama ang pinsan na si Rafa Siguion-Reyna.