Nagsalita ang Irish-Filipino model-actor na si Daniel Marsh tungkol sa kontrobersyang kinasasangkutan niya.
Kumalat nga sa social media ang pambubugbog diumano niya sa isang taxi driver dahil ayaw daw niyang bayaran ang P78.50 na patak sa metro ng taxi.
Nagdahilan nga raw ang bida sa reality show na Juan Direction at ng sitcom na One of the Boys na nawala ang kanyang wallet sa Prive Luxury Club sa The Fort, Taguig City at sobra nga raw itong lasing.
Sa naging interview ni Daniel sa News5, sinabi nga nito na nagsisisi siya na may naganap na pananakit noong gabing iyon, pero may ibang kuwento raw kung bakit umabot sila ng taxi driver sa situwasyon na iyon.
“There are two sides to a story. I got into a cab from The Fort Strip and he didn’t turn on the meter. I pressed the meter button and there was obviously tension in the cab.
“When we reached my destination, I gave him P100 then he said, ‘You give me P500!’ He was insisting on being paid P500 and I thought that was way too much.
“Seriously, I even gave you a tip because the meter was only around the P70 mark.
“I lost my wallet that time so I was really having a bad day and then this cab driver insisted that I pay him P500.
“I said, ‘Kuya, just give me a break. I lost my wallet and I only got P200 which I had to borrow from my friend’. Why do I have to borrow P200 if I have no intention of paying my cab fare?” kuwento pa ni Daniel.
Pinabulaanan nga ni Daniel na lasing na lasing siya noong sumakay siya ng taxi. Hindi raw siya puwedeng malasing nang husto dahil may trabaho pa raw siyang pupuntahan ng alas-siyete ng umaga.
Justin pinagbayad ng $80,000 dahil sa pambabato ng itlog
Tinutupad naman ni Justin Bieber ang probation na pinataw sa kanya ng korte dahil sa kanyang ginawang kaso na vandalism.
Kelan lang ay nakipagkita na siya sa kanyang probation officer kasama ang kanyang lawyer na si Shawn Holley. Isang oras nga raw silang nag-usap-usap sa Probation Department ng Santa Monica Courthouse.
Pinagsabihan si Bieber hindi siya puwedeng mag-break ng any laws habang under probation siya at kailangan niyang kumpletuhin ang kanyang anger management classes at ang community service.
Sasailalim nga sa 12 anger management classes at 5 days of community service si Bieber. Pinagbayad din ng $80,000 in damages ang singer dahil sa ginawa niyang pagbato ng mga itlog sa bahay ng kanyang neighbor.