Very supportive ang GMA Artist Center na binigyan nila ng presscon ang mga talents nilang may entries sa coming 10th Cinemalaya International Film Festival (Cinemalaya X) na mapapanood na simula sa August 1 to 10, 2014 sa Cultural Center of the Philippines (CCP), Trinoma, Glorietta Cinemas at sa Alabang Town Center cinemas.
Si Chynna Ortaleza ay kasama ni Ms. Nora Aunor sa Hustisya, at happy siya nang malamang sold-out na ang tickets sa gala night nila sa CCP sa August 2, tungkol ito sa human trafficking, directed by Joel Lamangan. May isa pang entry si Chynna, ang #Y (Hashtag Y) na isa siyang call center agent as a support group sa mga may problema tulad ni Kapuso actor Elmo Magalona na nasa lead cast, directed by Gino Santos.
Siyempre pa ay proud si LJ Reyes na makatambal ni Kapuso actor Dennis Trillo sa entry The Janitor directed by Mike Tuviera. Gaganap si LJ bilang wife ni Dennis. Excited na raw sana silang mapanood ang preview ng movie pero ayaw ni direk Mike, gusto niya sabay-sabay nilang panoorin ito sa gala night nila sa CCP sa August 4.
Natawa kami kay Jeric Gonzales, Protegee Male Grand winner dahil sa una raw niyang scene with Ms. Nora Aunor, napainom daw siya ng kape at whisky sa nerbyos, pero later on, with the help na rin ni Nora who plays his lola sa Hustisya, naging comfortable na siyang kaeksena ang Superstar.
Isang malanding girlfriend daw naman ni Jake Vargas ang role ni Rita de Guzman at sabi niya, no qualms siya sa dalawang passionate kissing scene nila sa Asintado na dinirek ni Louie Ignacio. Kasama rin nila rito sina Gabby Eigenmann at Aiko Melendez.
Medyo may pagka-action-musical daw ang Hari ng Tondo ayon kay Rafa Siguion-Reyna sa movie na dinidirek ng ama niyang si Carlitos Siguion-Reyna at script ng inang si Bibeth Orteza. Si Robert Arevalo ang lolo nila ng pinsang si Cris Villonco.
Very proud din si Rocco Nacino na sixty to seventy percent daw ng Hustisya ay kaeksena niya si Ms. Nora Aunor. Gaganap siyang lawyer ni Nora at dahil hindi naman siya lawyer, nanood siya ng mga case hearing sa Hall of Justice para malaman niya kung paano aarte bilang isang lawyer na magtatanggol kay Nora sa movie na dinirek ni Joel Lamangan. Second movie ito ni Rocco sa Cinemalaya, nauna rito ang Burgos nila ni Lorna Tolentino last year.
A maintay of Walang Tulugan, feeling blessed si Jak Roberto na nakasama ang mahuhusay na artista sa Asintado sa first movie niya. Gumaganap siyang best friend at confidante ni Jake Vargas.
Ang iba pang GMA Artist Center talents na may entries ay sina Barbie Forteza for Mariquina, si Julian Trono for Ronda, Martin del Rosario for Dagitab, Miggs Cuaderno for Asintado, Enzo Pineda for Sundalong Kanin at sina Coleen Borgonia at Ken Chan for 1st ko si 3rd.