Katrina normal na ang katarayan
Mabait ang role ni Katrina Halili bilang si Hannah, ang tunay na ina ni Miguel Tanfelix sa “Nino.” Inamin ni Katrina na nahirapan din siya, dahil kailangan daw niyang i-tone down ang boses niya lalo na kung may gusto siyang i-point out sa eksenang ginagawa niya. Paano kung after Niño, bibigyan siya muli ng kontrabida role? Gusto raw niya may back story ang role, hindi iyong basta na lamang siya magtataray sa eksena.
Sa personal life niya, okey daw ang puso niya, puno ng pagmamahal ang anak nila ni Kris Lawrence, si Katie ay one year and ten months na, mas malambing at makulit na pero wala silang balak sundan hanggang hindi pa sila kasal. Hindi sila live-in ni Kris pero laging nandoon ito kapag kailangan ni Katie, every Sunday, magkakasama sila sa church.
Natanong din si Katrina tungkol sa issue kay Hayden Kho, ayaw na raw niyang pag-usapan iyon pero ang gusto niya, personal niyang makausap si Dr. Vicki Belo para maipaliwanag na niya ang lahat. Kung makakausap niya ang doktora, gusto rin niya ay may kasama siyang makikipag-usap dito.
David laging kinukulit sa set si Miguel
Kaaliw kausap si David Remo, ang gumaganap na si Tukayo sa inspirational dramana Niño sa GMA 7. Noong una halos ayaw niyang sumagot nang naroon si direk Maryo J. delos Reyes pero nang umalis si direk, sinagot niya ang tanong kung takot ba siya kay direk. Hindi raw pero mahigpit si direk kapag malikot siya sa set. Pero happy siya kapag kinukulit niya ang kuya Miguel (Tanfelix) niya hanggang hindi siya pinapasan nito pagkatapos nilang mag-take. Mabait daw si Miguel ayon sa lahat ng mga kasama niya sa Niño, kahit si direk Maryo.
Biniro si David kung mayaman na siya dahil marami siyang TV commercials. May 20 endorsements na raw siya, at magiging 21 na dahil malapit nang lumabas ang bago niyang endorsement na katrabaho niya si Ate Marian (Rivera) na hangang-hanga raw siya dahil mabilis magtrabaho.
Ano ang bibilhin niya mula sa talent fee niya? Natawa kami na gusto niyang bumili ng loom band, ng Bumble Bee Transformers, at ng race car.
Sabi ng tatay niyang si Dave Remo, lahat ng talent fee ng anak ay naka-bangko para sa future nito.
Nakapunta na ba siya abroad? Yes, sa Gen. San, sagot ng bagets.
Ayaw ba niyang pumunta sa Hong Kong Disneyland? “Sa birthday ko po sa December 30, pupunta ako sa Disneyland, then magpapatuli na po ako,” buong kainosentahan niyang sagot. Sa birthday niya, David will turn eight years old, second honor siya sa grade 2 sa La Salle Greenhills at naglalaro siya ng soccer at football.
Crush niya si Sandy Talag na kasama rin niya sa Nino dahil mabait daw ito. “Mother figure ko po siya, paglaki ko lola ko na siya,” tatawa-tawang sabi ni David.
A member of Jehovah’s Witness, ayon sa tatay niya, wala raw namang problema ang role na ginagampanan niya as Tukayo, na sabi’y personification ni Sto. Niño sa story. Hindi raw sila mahigpit dahil alam nilang trabaho lamang iyon. Napapanood ang Nino pagkatapos ng 24 Oras.
- Latest