^

Pang Movies

Andrea ayaw pahirapan ang sarili sa pagpapapayat

SO..CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Nagpapayat nang husto si Andrea Torres dahil kailangan niyang magpakita ng sexy niyang katawan para sa bagong bibidahan niyang telefantasya na Ang Lihim ni Annasandra.
Isang shape-shifter ang role ni Andrea kaya marami raw siyang eksena na medyo makikita ang kurba at hubog ng katawan niya.

“Para akong aswang dito na nagiging pusa, aso, baboy... iba’t ibang mga hayop.

“Yun pa lang ang puwede kong masabi, kasi magsisimula pa lang kami ng taping.,” sey pa ni Andrea.

Magkakasama ulit sila sa naturang telefantasya ni Mikael Daez. Una nga silang nagtambal sa Sana ay Ikaw na Nga at With a Smile.

“Marami ang naghahanap sa team-up namin ni Mikael na MikAndrea. Lalo na noong mag-click kami sa Sana ay Ikaw na Nga.

“Kaya heto we are back working with one another ulit. Na-miss ko rin si Mikael kasi ang tagal na rin noong matapos ang With a Smile.

“Dito ay mas mature ang roles namin at medyo daring. Tapos kasama pa namin si Pancho Magno kaya dalawang barako ang kasama ko sa show na ito.”

Bilang workout ni Andrea, nagli-lift siya ng weights para magkaroon ng definition ang kanyang arms. Mas gusto raw niya ng dancing kesa sa mag-cardio exercise.

“I am thinking of taking up pilates or mag-spinning class ako. Gusto ko ‘yung enjoy ako sa exercise para hindi ko naiisip ‘yung pagod.

“Ngayon ay nagda-diet ako at malaki na ang nawala sa timbang ko from last time.

“Hindi naman daw ako lalagyan ng prosthetics kasi special effects ang gagamitin nila sa show. Ipapakita nila ang pag-morph ko sa pagi­ging isang hayop.”

Wala naman daw nagbabawal kay Andrea na magkaroon ng boyfriend, pero siya na raw ang nagbigay ng sariling restriction sa pakikipagrelasyon.

Max at Gwen nagiging in-demand sa ibang bansa

Kapwa gumagawa ng mga pelikula for International release ang mga Kapuso leading ladies na sina Gwen Zamora at Max Collins.

Ginagawa ni Max ang pelikulang Remembering Ada na produced ng isang Doha-based film company.

Nag-audition ng si Max at nakuha siya for the lead role.

Si Gwen naman ay gumagawa ngayon ng pelikulang Valentine sa Jakarta, Indonesia.

Nakagawa na si Gwen noon ng isang suspense-thriller film na The Witness sa Indonesia noong 2012.

Sa Valentine ay si Gwen mismo ang gumagawa ng kanyang stunts at enjoy siya sa pakikipagtrabaho sa isang foreign film crew.

Nagkasama sina Max at Gwen sa teleserya na Innamorata na nagtapos noong nakaraang buwan lamang.

Ryan masayang magkaka-baby na kay Eva

Kinumpirma na ng magkarelasyon na Ryan Gosling at Eva Mendes na magkakaroon na sila ng baby.

Seven months pregnant na ang 40-year old actress at winakas nga niya ang pagiging bachelor ng isa sa pinaka-sexy na aktor ng Hollywood.

Sey naman ng 33-year old actor na handa na siyang maging isang parent at masaya siyang si Eva ang magiging ina na kanyang unang baby.

Nagkakilala ang dalawa sa set ng pelikulang The Place Beyond The Pines. Three years na silang may relasyon at ngayon ay meron na silang aabangan na baby.

“Eva is thrilled. She’s been ready for motherhood for a while now, and to be sharing this experience with Ryan is a dream come true for her,” sey pa sa isang report sa OK magazine.

“Ryan grew up without a dad, so he always said when he had kids, he’d be there no matter what. This is it for him.”

Since they started dating in 2012, wala pang nagaganap na engagement sa dalawa. Kaya baka sumunod na ang pag-propose ni Ryan kay Eva pagkapa­nganak nito.

“Ryan loves babies, and he loved playing with the little boy who played our son. It was adorable to see him in that light,” sey pa ni Eva sa kanyang isang interview sa media.

Nagsimula bilang child actor si Ryan Gosling at isa siya sa mga mouseketeers ng Mickey Mouse Club noong 1993 kung saan nakasama niya sila Britney Spears, Christina Aguilera, at Justin Timberlake.

Naging romantic leading man siya dahil sa pelikulang The Notebook. At nakilala ang husay niya sa mga pelikulang Half Nelson at Lars ang the Real Girl kung saan pareho siyang na-nominate for best actor sa Oscar Awards in 2006 and 2007.

Si Eva Mendes naman ay nagsimula bilang model sa Los Angeles at nakilala siya sa kanyang sexy Calvin Klein ads. Lumabas siya sa mga B movies tulad ng Children of the Corn movies. Pero nabigyan siya ng break na maging lead actress sa mga big Hollywood movies such as Exit Wound, Training Day, Hitch, at Ghost Rider.

vuukle comment

ANDREA

ANDREA TORRES

ANG LIHIM

EVA

GWEN

ISANG

RYAN

RYAN GOSLING

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with