Ruffa ‘di tanggap na kahawig ng bagong manliligaw si Yilmaz

In denial si Ruffa Gutierrez na kamukha ng asawa niyang si Yilmaz Bektas ang bago niyang suitor na taga-Paris.

 “Hindi, ah,” matigas niyang pagtanggi nang sabihin sa kanya ng mga reporters na kahawig ng suitor si Yilmaz.

Long distance love affair pala ang drama nila ng suitor ngayon dahil umuwi na yata ito sa bansa nito at pa-chat-chat at pa-text-text na lang daw sila.

Hindi rin masabi ni Ruffa kung sasagutin niya ang suitor, dahil sa ngayon daw ay special friends lang sila at ayaw muna niyang mag-focus sa love life.

Pero aminado naman siyang inspired siya dahil sa magandang nangyayari ngayon sa kanya tulad na nga lamang ng tagumpay ng kanilang It Takes Gutz to be a Gutierrez na sinimulan nang iere sa TV5 last Saturday at kasalukuyan nang pinaplano ang second season.

Ayaw mahiwalay sa babaeng anak: Bunso ni Gary, 40 years old pa gustong ipakasal!

Ikakasal na si Gab Valenciano next year, kaya ang ma­titira na lang na anak nina Gary Valenciano at Angeli Pangilinan ay ang bunso nilang si Kiana Valenciano.

May boyfriend na rin pala si Kiana at botong-boto si Gary dito dahil matino naman daw na lalaki ito at na-win daw nito ang kanyang trust.

Pero ayaw pa niyang mag-asawa si Keana, since 21 years old pa lang naman daw ito. Biro niya, sinabihan niya ang bunsong anak na after 20 years pa raw ito pwedeng pakasal.

“Iba talaga ‘pag babae, eh,” natatawa niyang sabi.

Pagdating kay Kiana ay hindi pa raw siya talaga ready. Although boto siya sa boyfriend nito, still young pa rin daw ang anak at mas gusto niyang maghintay pa ito ng kaun­ting panahon.

By the way, mapapanood si Kiana bilang guest sa repeat concert ng kanyang ama na Arise Gary V. 3.0 na gaganapin sa MOA arena on Aug 2.

Gov. Vilma mas lalong hinangaan sa isyung kinasangkutan

Sa mga nagtatanong kung kumusta na si Ba­tangas Governor Vilma Santos matapos ang kontrobersiyang kinasangkutan, sa pamamagitan ng kanyang kanang kamay na si Ate Aida ay nagparating sa amin ng text message ang Star for All Seasons at para na rin sa lahat ng mga nag-alala sa kanya.

Ayon sa text ni Ate Vi wala naman daw dapat ikapag-alala sa kanya, hindi niya na ito pinansin pa dahil marami na siyang nalampasang pagsubok na mas malaki kaysa rito

“Sabi ko nga, everyday is a learning process sa buhay ng tao, kasama ako.”

May motto rin siyang sinusunod sa buhay na dapat ang mga problema at mga pagsubok ay dinaraanan lang. Hindi raw ito dapat na tumambay sa buhay natin. Dapat ay lagi raw i-enjoy ang buhay at kalimutan ang mga negatibong pangyayari. Maiksi lang ang buhay natin at dapat na puro positibo ang itinitira sa buhay.

Ang totoong text message ni Ate Vi na ipinadaan niya sa pama­magitan ni Ate Aida.

Ang hindi alam ni Ate Vi, mas lalo siyang hinahangaan ng mga tao dahil sa maganda niyang pag-handle ng issue. Sa halip na magalit sa mga bashers ay nagpasalamat pa siya sa mga ito unlike the other stars na nagpapakita ng pagkapikon sa mga haters at pinapatulan.

Ipinakita ni Ate Vi kung gaano siya ka-sports at kung paano niya iti-take positively ang mga pangba-bash sa kanya. Sana ay ganyan lahat ng artista natin, ‘di ba naman?

 

Show comments