Pinadalhan na nga ng ensaymada, maling spelling at grammar ni Ate Vi ipinangalandakan ni Kris sa social media

As we go to press, kasalukuyang kontrobersyal ngayon sa social media ang pangba-bash ng netizens kay Governor Vilma Santos.

Nagsimula ito nang mag-post si Kris Aquino sa kanyang Instagram account ng larawan ng ensaymadang bigay ni Ate Vi sa kanya kalakip ang isang card na hand-written ng Star for All Seasons ang message.

Kitang-kita sa shot ng picture ang nilalaman ng card. It stated “Dearest Kris, Thank you sooo much for believing in me. I truely appreciate it friend... Life is short... Enjoy it... Your are so bless...God is good. Smile : I Love You.”

Heto na nga at katakut-takot na pangba-bash na ng netizens sa wrong spelling and grammar sa sulat ni Ate Vi.

Kahapon ay pinost naman ni Kris ang palitan nila ng text message ni Ate Vi ng umaga.

Nakalagay sa text ni Ate Vi kay Kris: “Hi Kris, I am being bashed because of your Instagram post. Hahaha. I guess, marami pa akong dapat matutunan. I take all these as constructive criticisms. Tao lang; nagkakamali. Sa mga bashers. . .salamat po. Again, thanks for believing in me. Until next time. . .”

Na sinagot naman ni Kris ng “I’m sorry, Ate Vi. I didn’t think about the wrong spelling because what mattered to me was your kindness & the thought behind the card.”

Sa caption naman ni Kris ay may nakalagay na: I woke up & saw this text from Ate Vi. And it made me realize why I am such a fan of this woman: she is BRAVE, she has a WONDERFUL SENSE OF HUMOR, she has WISDOM, and she is TRUTHFUL! Above everything else, she remains HUMBLE! HINDI SYA PIKON KASI NGA ALAM NYA THAT HER LIFE IS GOOD. Her example will continue to inspire me for the rest of my life.”

Well, kami man ay napabilib ni Ate Vi for being such a good sport. Kung ang iba nga ‘yan ay baka napikon na at pumatol na pero sa halip ay nagpasalamat pa siya sa kanyang mga bashers at inamin ang pagkakamali. 

 

Gary V nalungkot sa sinapit ni Nora

Kung si Gary Valenciano ang tatanungin, hindi naman daw niya pinapangarap maging National Artist. Pero aminado naman siyang he’d be happy kung kahit paano ay mabanggit o mapag-usapan ang pangalan niya sa usaping ito.

 “Kung ako ay nasali lang sa usapang National Artist, okay na sa akin ‘yun,” sabi ni Mr. Pure Energy nang makatsikahan namin kahapon sa presscon ng Arise Gary V. 3.0, The Repeat, held at Valencia mansion ni Mother Lily Monteverde.

 “I would rather play an impact in people’s arts inside, than to be known outside as a National Artist. That’s just my role. Pero okay lang, kunyari maisama ako sa mga ganu’n, okay lang sa akin na maisali, kahit hindi ako pinili. Okay lang. Okay na sa akin ang masama sa usapang National Artist,” he said.

Sa hindi pagkakasama ni Superstar Nora Aunor sa listahan ng National Artist awardees, ang opinyon dito ni Gary, bagama’t may mga pagkakamali raw si Ate Guy sa mga personal na buhay nito, hindi pa rin matatawaran ang mga nagawa nito bilang artist.

“Everybody will fall short at some point in time, but not everybody is blessed with a talent like Nora Aunor’s,” pahayag pa ni Mr. Pure Energy.

Samantala, dahil sa malaking tagumpay na tinamo ng Arise Gary V. 3.0 concert ni Gary in celebration of his 30th year in the industry na ginanap for two consecutive nights at the Araneta Coliseum last April, magkakaroon ito ng repeat sa August 2 na gaganapin naman sa Mall of Asia Arena (MOA).

Bahagi pa rin ng repeat concert ang mga naunang guests tulad nina Rico Blanco, Iya Villania, Sam Concepcion, The Manoeuvres, ang super-Selfie King na anak ni Gary na si Gab Valenciano at ang bunso rin niyang anak na si Kiana Valenciano. Ang panganay namang si Paulo ang magiging co-director pa rin.

Ang bahagi pa rin ng kikitain ng concert ay ido-donate pa rin sa mga charitable organizations tulad ng UNICEF, The Shining Light Foundation, Philippine National Red Cross and Operation Blessing Foundation for the benefit of the victims of typhoon Yolanda.

Show comments