^

Pang Movies

Gardo gustong hanapin at makilala ang mga anak na ‘nawawala’

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Bukod sa pagiging happy sa kanyang career, happy family man din si Gardo Versoza dahil sa October ay magtu-turn one-year old na ang kanyang baby boy na si Deity Uziel. Anak nila ito ng kanyang misis na si Ivy Vicencio.

Sey nga ni Gardo ay lahat daw ng kanyang pagpupuyat at paghihirap sa trabaho ay para sa kanilang baby.

“Noong dumating kasi Uziel sa buhay ko, malaki ang naging pagbabago. Doon ko lang naramdaman yung excitement ng pagiging isang ama.

 “Alam naman ng lahat na may mga naging anak tayo pero hindi ko sila nakilala talaga—hindi ko sila nakita noong mga babies sila.

 “Unlike itong si Uziel, nandoon ako noong ipinangak siya at ngayon magwa-one year old na siya sa October, pinaghahandaan na namin ni Ivy kahit na four months pa ang layo. Gano’n kami ka-excited para sa birthday niya.”

Tinanong nga namin si Gardo kung gumawa ba siya ng effort na makilala niya ang ibang mga anak niya?

Sinabi naman ng aktor na gusto niyang makipag-communicate, pero hindi raw niya alam kung saan magsisimula.

“Ang problema ay hindi ko alam kung nasaan sila.

“Nung time na dapat dadalawin ko yung isang anak ko sa Amerika, hindi natuloy ‘yon.

“Sayang kasi gusto ko rin malaman kung ano na ba nangyayari sa buhay nila. Gusto ko rin siyang makilala.

“Sa pagkakaalam ko, nasa college na siya, eh. Sayang at hindi kami nagkita.

“Pero ako naman, wala akong sinasarang pinto sa mga anak ko.

“Kung gusto nila akong makilala, alam naman nila kung saan nila ako matatagpuan. Hindi naman tayo nagtatago.”

Anyway, magagandang reviews ang nakuha ni Gardo sa pagganap niya bilang bonggacious na ba­ding na si Lexi sa afternoon teleserye ng GMA 7 na Dading.

Baguhang aktres dating kasama sa training si Michael Martinez

Produkto rin pala ng broken home ang bagong bini-build up na ka-loveteam ni Ruru Madrid sa teleserye na My Destiny ang 15-year old na si Ashley Ortega.

Ang totoong name niya ay Ashleigh Nordstrom at lumabas na siya sa mga teleserye na Cielo de Angelina at Dormitoryo.

Siya rin ang nanalong Miss Olive-C Campus noong nakaraang Mayo lamang.

Kuwento nga ni Ashley na 4-years old pa lang siya ay naghiwalay na ang mga parents niya.

“Hindi na kasi nagkakasundo. They were fighting all the time kaya it’s better na they go their separate ways.

“Nagkikita at nagkakausap pa naman kami ng daddy ko. He never remarried or had other children. Tatlo na kasi kaming magkakapatid sa mommy ko. Baka para sa kanya, tama na yung kami na lang ang mga anak niya.”

Dating figure ice skater si Ashley at nakapag-compete na siya sa iba’t ibang competitions sa Asia. Hindi na rin niya mabilang ang mga nauwi na niyang gold medals.

“I’ve been ice skating since I was five years old. Nag-stop lang ako two years ago para mag-focus ako sa showbiz.

“But I have plans to go back training. Na-miss ko rin ang ice skating. Kaso it’s a very expensive sport. This time, ako na ang gagastos for it since I’m working na.”

Kaibigan nga raw niya ang figure ice skating champion ng Pilipinas na si Michael Martinez. Noon pa raw niya nakakasabay itong mag-training at natutuwa siya sa naabot na nito.

“I would like to work with him someday on the ice. Pero I need to train a lot kasi sobrang galing ni Michael talaga,” pagtatapos pa ni Ashley Ortega.

Hollywood actor na si Shia LaBeouf may tama na sa pag-iisip, kailangan nang ma-rehab

Inaresto ang Hollywood actor na si Shia LaBeouf dahil sa ginawa nitong panggugulo sa loob ng isang Broadway theatre habang nagpi-perform ang cast ng Cabaret.

Bigla na lang daw sinigawan ni Shia ang mga actors sa gitna ng kanilang performance. More than a 100 people ang kanyang ginulo sa panunood ng show.

Pinakiusapan daw ito na maging tahimik pero lalo raw itong gumawa ng ingay at gulo. Wala raw ibang choice ang theatre ushers kundi ang tawagin ang security para i-escort na naka-handcuffs ang aktor.

Habang kinakaladkad siya palabas ng theatre, sigaw daw nang sigaw si Shia ng ‘Do you know who I am?’ Dinala siya under police custody overnight sa malapit na precinct.

Kinabukasan ay dinala siya sa Manhattan Community Court para sa kanyang arraignment. He was officially charged with 5 misdemeanor counts of trespassing, disorderly conduct and harassment.

Nagpiyansa siya ng higit kumulang na $2,500. Ang next court date niya ay sa July 24.

Marami nang mga kaibigan ni Shia ang worried sa mental health ng aktor dahil hindi na raw ito matinong kausapin. Kailangan na raw itong ipasok sa isang rehab center.

Bago nga siya nanggulo sa loob ng theatre, nakita siyang nakikipaghabulan sa isang homeless man along Time Square.

Hinahabol daw niya ang homeless guy dahil kinuha raw nito ang kanyang baseball cap. Pero sabi nga ng homeless guy na basta na lang daw siya hinabol nito at sumisigaw ng ‘I’m Shia!’

 

vuukle comment

ASHLEIGH NORDSTROM

ASHLEY ORTEGA

GARDO

MICHAEL MARTINEZ

NIYA

RAW

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with