^

Pang Movies

Gerald may concert!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Dumiretso ako sa isang restaurant sa Quezon City pagkagaling ko sa arraignment hearing ni Se­na­tor Bong Revilla, Jr. sa Sandiganbayan noong Huwebes para bumili ng aking favorite bread.

Nagulat ako nang lumapit sa akin ang isang mhin na nagpakilala na siya si Gerald.

Eh si Gerald Anderson lang ang kilala ko kaya nag-isip muna ako, “The who?” ang Gerald na kaharap ko.

Inimbitahan ako ni Gerald na panoorin ang kanyang upcoming concert pero naging prangka ako, hindi na ako nanonood ng mga concert.

Hindi nagpaawat ang mhin. Inabot niya sa akin ang kanyang dalawang CD album. Aba, para siyang boy scout na laging handa. Nabasa ko sa kanyang CD album na siya si Gerald Santos.

At dahil mabait naman siya, tinatawagan ko ang fans ni Gerald na panoorin ang kanyang concert. I-research n’yo na lang kung kailan at saan!

Marian nakakatatlo nang pinaka-seksing babae sa mundo

Nagpapasalamat si Marian Rivera sa lahat ng mga bumoto sa kanya bilang Sexiest Woman ng FHM Philippines para sa 2014.

For the third time, si Marian uli ang hinirang na sexiest girl sa Pilipinas ng FHM.

Tiyak na aabangan uli ng mga kalalakihan ang muling pagrampa ni Marian sa FHM party sa susunod na buwan.

Kinababaliwang bida sa My Love… dadating sa Pinas?

Mababawasan na ang mga TV show na sinusubaybayan ko dahil magpapaalam na sa June 30 ang aking favorite Koreanovela, ang My Love from the Star.

Pagkatapos ng dalawang buwang matagumpay na pagpapalabas sa Philippine TV, ipapalabas na ng GMA Network ang huling episode ng hit Koreanovela sa Lunes, June 30.

Pinukaw ng My Love from the Star ang interes ng mga Pilipino.

Kasama ako sa mga nabihag ang puso dahil ipinakita sa My Love from the Star ang natatanging kuwento ng pagmamahal sa pagitan ng dalawang tao na  nagmula sa magkaibang mundo na may kombinasyon ng pagmamahal, tawa, at science fiction.

Nagdagdag din ng  ganda ang nakaka­kilig na chemistry nina Kim Soo Hyun  bilang Matteo, ang alien heartthrob, at Jeon Ji Hyun na gumaganap bilang Steffi, ang human superstar.

Naging bahagi talaga ng buhay ko ang  phenomenal Koreanovela series dahil araw-araw ko ito na tinutukan. Hindi kum­pleto ang araw ko kapag hindi ko napapanood ang My Love from the Star. Mabuti na lang, nagkaroon ng rewind tuwing Linggo ang aking favorite Koreanovela. 

Sa nakalipas na dalawang buwan, nagtala ang My Love from the Star ng mataas na ratings at magandang feedback mula sa mga televiewers.

Sana nga, magkatotoo ang tsismis na may plano ang GMA 7 na dalhin dito sa Pilipinas si Kim Soo Hyun, ang bidang lalake sa My Love from the Star na kinababaliwan ng mga Pinoy.

                           

vuukle comment

AKO

BONG REVILLA

GERALD ANDERSON

KIM SOO HYUN

KOREANOVELA

MY LOVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with