Talo na nga sa URIAN, Ate Guy laglag din sa MMFF
MANILA, Philippines - Bukod sa hindi pagkakasama sa mga idineklarang National Artist, hindi rin nakasama ang pelikula ni Nora Aunor sa walong napili para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong taon. Kaya naman todo-todo ang pagngingitngit ng fans ng superstar. Nauna pa rito ang hindi pagkakapanalong best actress ni Ate Guy sa ginanap na URIAN. Kaya lalong nag-uumapaw ang hinagpis ng fans ng superstar.
Anyway, narito ang mga walong napili sa MMFF :
Praybeyt Benjamin 2 (Viva Films at ABS-CBN Film Productions) Vice Ganda and Bimby Yap
My Big Bossings Adventures (OctoArts Films, M-Zet Films at APT Entertainment) Vic Sotto and Ryzza Mae Dizon
Kubot: The Aswang Chronicles 2 (Reality Entertainment, GMA Films at Agostodos Pictures Inc.) Dingdong Dantes and Isabelle Daza
Shake, Rattle & Roll 15 (Regal Entertainment Inc.) Carla Abellana and Tom Rodriguez
Bonifacio, Gusto Mo Ba Siyang Makilala? (Phillipians Productions and Events Inc.) Robin Padilla
Feng Shui 2 (ABS-CBN Film Productions and Kris Aquino Productions ) Kris Aquino and Coco Martin
English Only Please? (Quantum Films and Heaven’s Best Entertainment) Derek Ramsay and Angeline Quinto
Magnum Muslim .357 ( Scenema Concept International Inc.) – ER Ejercito
At sakaling may dalawang mag-back out sa walong napili, ang Kid Kulafu ni Cesar Montano and Alessandra de Rossi at Kung Ang Hanap Mo ay Ligaya sa Buhay nina Boots Anson Roa and Ronnie Liang ang papalit.
Bukod sa Whistleblower hindi rin nakapasok sa walong kasali ang solo movie ni BB GandangÂhari na Bonggaster and Above The Clouds ni Ruru Madrid.
- Latest