^

Pang Movies

Lauren nasarapan sa halik ni Richard

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Sinagot ni Lauren Young sa presscon ng first movie niya na katambal si Richard Gutierrez ang mga isyu tungkol sa kanya.

Suspense-thriller ang movie na co-directed ni Earl Ignacio kay Wincy Ong. May love scene sa trailer na ipinakitang naka-bra lamang si Lauren sa harap ni Richard. 

Biro pa, si Richard daw ang naka-devirginized kay Lauren sa love scene na ito kaya ang young actress ang natanong tungkol sa eksena. Hindi ba siya nailang sa eksena?

“Hindi po naman, although na-tense rin ako sa simula kasi nga first time ko itong gagawin sa movie, pero sa TV drama series, ilang beses na rin akong nakipag-kissing scene,” sagot ni Lauren. 

 â€œTo prepare for the scene, nag-u­sap kami ni Richard para may collaboration kami. Mayroon pong scene na pwede namang dayain, pero pinag-usapan namin ni Richard na kung kailangang gawing totoo, tinotoo namin. I feel very happy to do the project with Richard dahil he’s very supportive, and I learn a lot from him.”

Kumusta si Richard as a kissing partner? “He’s very gentleman, a good kisser.  That’s why Sarah (Labhati) loves him very much,” biro pa ni Lauren.  â€œIn a scale of 1 to 10, bibigyan ko siya ng 10.”

Kasama rin sa cast ng Overtime sina Roi Vinzon, Mitch Valdes, Bearwin Meily, Roadfill, Renz Valerio. May special participation sina William Martinez, Yayo Aguila, Edwin Reyes, Ruby Ruiz, Frencheska Farr, and Elle Ramirez.  Showing na sila sa July 2.

Mga batang yagit na may talento, hinahanap!

Ibabalik ng GMA Network ang isa sa pinakamatagal na seryeng napanood sa telebis­yon, ang Yagit in 1980’s, na ang storyline ay mula kina Eddie Ilarde at Jose Miranda Cruz na ngayon ay iri-represent na ng anak na si Lito Cruz. 

Nagbigay ng ilang pahayag sina Mr. Ilarde at Mr. Cruz na ang bagong Yagit ay hindi tutukoy sa mga batang palaboy sa kalye, kundi magiging reality show na magpapakita kung ano ang mga nagaganap sa mundo, na sa kabila ng kahirapan, pwedeng umasenso sa buhay. 

Tiyak daw na makaka-relate ang mga manonood. Muling bubuhayin ang mga unang characters na sina Elisa, Josie Macabuhay, Tomtom Macabuhay, at Ding Reyes.

Personal na pangangasiwaan ni Direk Gina Alajar, with the help of the production staff, ang audition sa iba’t ibang lugar sa bansa para maghanap ng mga batang karapat-dapat na gumanap sa apat na top characters.

Magbibigay sila ng script na imi-memorize at sasabayan ng pag-arte ng mga mag-o-audition.

Magsisimula ang audition ngayong Biyernes, June 20 sa SM Baliwag; June 21 sa SM Novaliches; June 22 sa KCC Mall General Santos City; June 27 sa SM Iloilo at SM Bacoor; June 28 sa SM Cebu; June 29 sa Magic Mall Urdaneta at GMA Network Studio 6.

 

BEARWIN MEILY

DING REYES

DIREK GINA ALAJAR

EARL IGNACIO

EDDIE ILARDE

EDWIN REYES

LAUREN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with