Naimbitahan kami sa preview ng Kamkam (Greed) noong Biyernes na isa na namang obra ni Direk Joel Lamangan. Pang-award na naman ang akting ng bidang si Allen Dizon sa bagong indie movie. Gaya sa yumaong Lino Brocka, ang mga pelikula ni Joel na sumasailalim sa reyalidad ng buhay.
Iikot ang istorya sa buhay ni Johnny na mahusay na nailarawan ni Allen kung saan siya ang naghahari sa mga illegal na raket gaya ng sugalan, droga, kuryente at iba pa sa Sitio Kamkam. Tatlo ang asawa ni Allen na ginampanan nina Jean Garcia, Sunshine Dizon at Jackie Rice.
Binigyan ng buhay ang isang pamilya na nabubuhay sa korupsyon sa isang mahirap na komunidad.
Palabas na ang Kamkam sa July 9 mula sa Heaven’s Best Entertainment sa panulat ng Palanca Awardee na si Jerry Gracio.
Angel pinupuri-puri
Natapos na rin ang The Legal Wife noong BiÂyernes at gusto naming papurihan ang lahat ng artista sa galing umarte lalo na si Angel Locsin.
Damang-dama mo ang mga sinabi ng aktres na kahit mahal na mahal niya ang asawa ay ‘di pa rin niya ito kayang patawarin agad. Isinauli nito ang wedding ring kay Jericho Rosales at sinabing darating ang araw na babalik din siya habang ginagamot ang nadurog na puso sa Amerika kasama ang kanilang anak.
Tiyak na maraming naka-relate at natutunan ang mga kababaihan sa makabuluhang teleseryeng nagtapos.