^

Pang Movies

Sharon hindi maka-react sa ‘anak’ ni KC

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Tama ang post ni KC Concepcion sa kanyang Instagram na ang creative raw ng nakaisip tungkol sa issue na love child daw niya ang baby sister niyang si Mariel. Say niya: “I absolutely love kids and am sooo thankful for all my sisters. (She has four sisters: Gary and Chloe to their dad Gabby Concepcion at Frankie and Mariel to their dad, former Senator Francis Pangilinan).  I wish every girl could experience having a sister. Blood and BFFs for life. My baby sis who was formerly rumored to be my own kid! Hahaha! Ang creative lang!” 

Sharon Cuneta gave birth to her youngest daughter Mariel or Miel and will turn ten years old na sa September. KC just turned 28 last April 7.  Mabuti na lamang, Sharon has left for Las Vegas last Monday for a series of shows there.

Problema ni Dingdong sa dalawang asawa, mabilis ang kuwento

Maganda ang feed back na natatanggap namin tungkol sa mabilis na pacing ng primetime drama series ng GMA 7, ang Ang Dalawang Mrs. Real.

Marami raw nakaka-relate sa story na may dalawang asawa si Dingdong Dantes as Anthony Real at may mga kampi kay Maricel Soriano as Millet na unang pinakasalan ni Anthony at may ampon sila, si Tonton dahil hindi sila nagkaanak.  May kampi rin kay Lovi Poe as Shiela na pinakasalan din ni Anthony na nabigyan siya nito ng anak.

Napapanood ang Ang Dalawang Mrs. Real pagkatapos ng Kambal Sirena.

Young actor floating sa sariling network

Totoo kayang floating ang status ng isang young actor sa kanyang network? 

Nagtataka ang mga fans ni young actor kung bakit wala itong ginagawa ngayong soap kahit na mahusay naman itong umarte, maliban sa isang show na once a week lamang napapanood. 

Tanong nila, may problema raw ba ang young actor sa kanyang network?

Vic dadalhin ang Dabarkads sa Singapore

Next week, ilang araw magsi-celebrate ang Dabarkads ng birthday ni Vic Sotto sa Singapore, courtesy ng mahusay na host at pro­duct endorser. 

Bago umalis, nag-taping na si Vic ng kanyang Dear Bossing cooking show na napapanood every Tuesday and Thursday, bago ang The Ryzza Mae Show.

Sponsored by GMA Network at Monde Nissin Corporation, para ito sa mga housewife na may problema sa pagluluto. 

Ang mga problema nila ay sasagutin ni Vic at ng mga angels niya sa kusina, sina Manilyn Reynes at Chef Aurora Babes Austria gamit ang Lucky Me NamNam Tomato.

ANTHONY REAL

CHEF AURORA BABES AUSTRIA

DABARKADS

DEAR BOSSING

DINGDONG DANTES

FRANKIE AND MARIEL

GABBY CONCEPCION

GARY AND CHLOE

MRS. REAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with