^

Pang Movies

Bong wala nang galit kahit makulong

- Vinia Vivar - Pang-masa

Solid pa rin ang supporters ni Sen. Bong Revilla na matiyagang nag-rally at nagbantay last Monday sa labas ng Senado kung saan ay nagbigay ng kanyang privilege speech ang Senador sa Senate session.

Kaya naman sa privilege speech niya ay hindi niya nakalimutang pasalamatan ang lahat ng kanyang supporters pati na rin ang 20 milyong mamamayang Pilipino na bumoto sa kanya.

Pagkatapos ng privilege speech ni Sen. Bong ay dumiretso ang lahat sa Hong Kong Chef restaurant kabilang na ang ilang showbiz press na sumuporta sa kanya sa Senate session. Naroroon din ang kanyang pamilya sa pangunguna ng asawang si Rep. Lani Mercado, mga anak na sina Bryan and Jolo Revilla, kapatid na sina Strike Revilla and Andeng Bautista at kaibigang si Phillip Salvador.

Natanong namin si Sen. Bong kung ano ang state of mind niya ngayon at aniya, “no fear because I know that God is with me.”

Ano ang pakiramdam niya matapos siyang magsalita sa Senado?

“I’m happy, maluwag sa dibdib, hindi mapaliwanag pero maligaya ako at kung baga, tanggap ko na kung anuman ang mangyayari sa akin.

“Ang pinakamabigat sa lahat kasi, bago ko gawin iyon, ‘yung acceptance, eh. Kaya kung anuman ‘yung dumating sa akin, handa na ang sarili ko, hindi na mabigat na tatanggapin. Hinanda ko na rin ang pamilya ko.”

Haharapin ba niya talaga ang pagkakakulong?

“Haharapin ko ‘yan, hindi tayo tatakbo o tatalikod. Haharapin natin ‘yan. Dahil naniniwala ako na lalabas din ang katotohanan at maipagtatanggol ko ang sarili ko,” he said.

Ang tanong nga lang daw niya, paano kapag napatunayan na wala siyang kasalanan. Paano na raw ang kanyang reputasyong nasira.

 â€œâ€™Yun nga ‘yung masakit na sinasabi ko. Paano naman kung mapatunayan namin na wala kaming kasalanan? Paano ‘yung nawasak, nadungisan (na pangalan)? Kaya dapat mag-ingat sa mga paratang. Dahil hindi mo na maibabalik ‘yun, eh.”

Kapag nakulong siya ay itutuloy pa rin ba niya ang pagsisilbi sa bayan?

 â€œAng alam ko ay may preventive suspension ‘yan na 90 days. Pero after 90 days, puwede pa rin kaming maghain ng batas like what happened to Sen. Trillanes nang nakulong siya.”

Hindi rin daw niya alam kung hanggang kailan sila mananatili sa kulungan. Pwede raw abuting ng 3 o 5 taon o higit pa.

 â€œPero naniniwala pa rin ako na magkakaroon ng kaliwanagan ang lahat. Basta ang sabi ko nga, huwag muna kaming husgahan. Na-trial by publicity na kami, tama na ‘yun.

 â€œNgayon, nasa korte na ‘yan, mabigyan naman kami ng tsansa na maibigay naman ‘yung side namin.”

Wala raw galit sa puso niya at hindi na raw ito ang panahon ng pagsisisihan dahil nandiyan na ‘yan.

 â€œBasta’t kung anuman ang desisyon ng Sandiganbayan, kung kami’y ikukulong, nakahanda po akong makulong. At ‘yung mga taong nagagalit sa akin na sa tingin nila, eh ‘yung bintang sa akin ay totoo, lalabas din po ang katotohanan. Huwag po kayong magalit sa akin. Hindi po ako nagtraydor sa inyo.”

 

Jackie hindi napilit sagutin ang isyu nila ni Isko

Nagsisimula pa lang magtanong ang entertainment press kay Jackie Ejercito tungkol sa mga intriga sa kanya ngayon ay kaagad siyang tumanggi.

Nakausap ng working press si Jackie sa press presentation ng Miss Manila 2014 na ginanap sa Diamond Hotel kung saan ay siya ang tumatayong project director.

Unang napag-usapan ang tungkol sa pageant at say niya, kakaiba raw ang Miss Manila kaysa sa ibang city pageants dahil for one, ang prize raw dito ay mas malaki at pangalawa, ang proceeds nito ay mapupunta sa Dialysis Center ng MARE Foundation, Inc. na isang non-profit institution headed by her mom, Dra. Luisa “Loi” Ejercito-Estrada.

Pagkatapos nito ay natanong naman siya tungkol sa kapatid na si Sen. Jinggoy Estrada na as we all know ay nahaharap sa kasong plunder.

 â€œOf course, we’ve been praying for him, na sana, maging okay naman.”

Lagi raw silang nag-uusap-usap sa pamilya at lagi nilang binibigyan ng encou­ragement si Jinggoy.

But when asked sa latest intriga ngayon sa kanya, natatawa nang nag-back-out si Jackie.

“Ah, bye!” nakatawa niyang sabi saka tumalikod.

As we all know, natsitsismis kasing hiwalay na siya sa asawa at nali-link siya kay Manila Vice Mayor Isko Moreno.

Samantala, tatlumpu ang naggagandahang dilag na maglalaban-laban for Miss Manila at ang coronation night ay gaganapin sa June 24, alas-7 ng gabi sa Philippine International Convention Center (PICC).

Miss Manila 2014 is a joint project between Manila Mayor Joseph Erap Estrada and Viva Group of Companies, big boss Vic del Rosario.

 

BONG REVILLA

HAHARAPIN

KAYA

KUNG

MISS MANILA

NIYA

PAANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with